Pauwi na ko galing mall. Nag-aantay ng jeep ng masasakyan. At dahil gabi na non, medyo mahirap na, halos lahat ng jeep puno na. Pero luckily, nakahanap din naman ako agad ng jeep na siksikan, in fact maluwag nga eh. So sumakay na ko.
Pagupo ko, medyo nagsisi agad ako. Kasi yung jeep eh parang nasa party. Lam nyo yun? Yung sobrang lakas ng music ni manong tas yung feeling mo yung puso mo nag "tudugdugdug" ng malakas. Tas may disco lights effect pa? Pero dahil gusto ko ng umuwi, nagstay nalang ako.
Habang naghahanap ng pera pambayad, si manong nagaantay lang ng pasahero para mapuno yung jeep. At nung finally, may mga sumakay na at finally nakahanap na ko ng bayad. ASDFGHJKL. May mga sumakay na group of boys, as far as I remember 8 sila. Mukang mga 2 years older than me. Umupo sila sa magkabilang side, bale tig apat sa parehong side para magkakaharap. Pero hindi sila snatcher o mukang goons kung yun ang naiisip nyo. Kay ako napa "asdfghjkl" eh kasi lahat sila medyo pogi. *excuse may kalandian :3* syempre sa dami nila dali nilang mapapansin di ba.
Anyway, isinantabi ko muna yung kalandian ko at nagbayad na ko.
Ako: Bayad ho. *sabay abot ng 20* isang simbahan.
Yung katabi kong guy, na kasama dun sa group of 8 yung nagabot ng bayad ko, itago nalang naten sya sa pangalang RED, since naka-red naman sya non. Oo aaminin ko, pogi si Red.
Anyway. So pagbayad ko di agad ako sinuklian ni manong. So ako, okay lang since it's a 15-minute drive from the mall to the church.
Umandar na yung jeep, at tumulala nalang ako sa kawalan hanggang sa...
inistorbo ng mga lalaking yon ang aking pagmumuni muni sa kanilang kwentuhang napakalakas. Isipin nyo naman ang ingay na sa jeep ang ingay pa nila so medyo nainis ako. Pero mas nainis ako dun sa pinagkkwentuhan nila.
Syempre sa ingay nila, narinig ko nayung usapan nila, turns out medyo mga loko pala to. Nagkkwentuhan sila about GIRLS. Na kesyo pinagtripan nila tas tatawa sila ng malakas. I don't exactly remember kung ano yung mga panttrip na ginawa nila pero ang alam ko di naman sya sobra, yung mga trip lang ng barkada ganon. Di ko namalayan isa pala ako sa ""soon to be"" na pagtatawanan nila...
Naubos na ang 5 minutes wala pa rin ang sukli ko. Gusto ko ng paalalahanan si manong, pero sa sobrang lakas ng music at tawanan ng mga lalaking yon, di ko magawa. Kasi alam kong kakailanganin kong sumigaw, eh nahihiya ako. So pinalipas ko nalang. Sabi ko pag malapit na talaga.
Naubos ulit ang 5 minutes wala pa rin ang sukli ko. Wala na kong magagawa, sayang kaya P12 na sukli. So ginawa ko na yung kinahihiya ko.
Ako: Manong yung sukli po ng isang simbahan.
Manong: ~~~~
Group of boys: *tumahimik, tinignan ako. what is awkward*
Ako: *medyo mas malakas* Manong yung sukli po ng isang simbahan.
Manong: ~~~~
Group of boys: *nakatingin pa rin sakin* sa isip isip ko, kailangan titignan ako!? Sobrang awkward talaga non gusto ko na maglaho :((
Then suddenly...
RED: *malakas na boses* kuya! yung sukli daw po ng isang simbahan.
*insert awkward moment here* di ko alam kung magtthank you ako or what so tumingin na lang ulit ako sa labas. Tas maya maya..
RED: Ate. aqiwueybaioeiaehrpnv *OO. Yan lang naintindihan ko sa lakas ng music*
So ako: Ha? *with matching kuha ng sukli sa kanya*
ABA! Pagtinign ko 6 lang yung sukli!! Di ata makatarungan yon. 12 kaya dapat sukli ko.
Dun lang ako na-enlighten na ang sinabi pala ni Red ay "Ate kulang daw po sukli mo"
Ako: KUYA. KULANG PO YUNG SUKLI NYO.
Manong: *FINALLY PINATAY YUNG MUSIC* Ms. Wala po akong barya, yan lang sukli ko.
Sa isip isip ko: ANONG WALANG BARYA GABI NA KAYA. DAPAT MAY BARYA KA NA.
Ewan ko nainis talaga ako non, pero wala na kong magawa so nagsungit na lang ako. Nilagay ko yung sukli sa wallet ko na medyo padabog *ewan ko bat ako OA neto baka PMS*RED: Hala, baka wala ng pamasahe pauwi si ate.
Di ko sya pinansin. Maya maya, tinawag nila ako. OO SILANG LAHAT: ATE!
Paglingon ko, lumapit si Red sakin, may inaabot saking P20.
Hindi ko alam kung kikiligin ako kasi medyo sweet, o matatakot ako kasi medyo creepy, o maiinis kasi parang akala nya wala akong pera hahaha. Pero sabi ko nalang..
"Hala kuya wag na, okay lang" Tas ngiti.
Lahat ng lalaki bigla: AWWW!!
Ako: WTF JUST HAPPENED. Sabay lingon ulit sa labas.
*Here comes the climax of this story...*
Malapit na kong bumaba. At napansin ko na wala ng masyadong tao sa jeep non, yung mga lalaki, ako, at isang ale nalang.
Maya maya, si manong binuksan na ulit yung radyo nya. Palipat lipat ng kanta, naghahanap ng trip nya. Tas dumating sa isang kanta na di ko masyado narinig, pero nilipat nya agad. PERO. Sabay sabi nung mga lalaki. "KUYA KUYA DUN NALANG DALI PALIPAT ULI"
Aba, malay ko bang sasakyan ni manong trip nila. Edi nilipat nya ulit.. Tas pinakinggan ko yung kanta, medyo oldies. Pero parang familiar ng biglang....
One boy: 1, 2, 3...
LAHAT SILA: NANGHIHINAYANG, NANGHIHINAYANG ANG PUSO KOOOOO
Pagtingin ko sakanila, lahat sila nakatigin sakin kumakanta with matching hand gestures pa. Tas tinutulak si Kuya Red. TAS AKO. OMG JUST STRIKE ME WITH LIGHTNING RIGHT NOW. SOBRANG NAHIHIYA NA KO NON. GUSTO KO NA BUMABA. HUHUHU.
Pagtingin ko pa dun sa isang ale, tumatawa sya. :((
Tuloy tuloy lang silang kumanta tas ako namumula na sa kahihiyan. FINALLY!! Bababa na ko so ako, "MANONG PARA PO!!"
Tumigil silang lahat kumanta tas may nag "Aww" pa.
Nung tumigil na yung jeep pababa na ko biglang.. "BYE ATE!!"
Nakababa na ko ng jeep, pero biglang sumilip sa bintana si RED sabay sabing "Bye ate. Ingat ka" with matching smile.
After non, ewan ko nakangiti narin ako hanggang makarating ng bahay.
Fortunately, or unfortunately (depends on your view) after 2 years di ko na ulit sila nakita. Kahit si Red.P.S. Sorry mahaba, labyu guys. I just wasted your 5 minutes.
P. P.S. HOY FRIEND, Di ko alam kung naaalala mo pang kinwento ko to sayo, pero pls kung oo. Don't tag me!! Okay? Labyu mwa
napagtripan
1234
Faculty of Arts and Letters
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
No FicciónThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles