Kilala akong masayahin, palakaibigan, responsable at masarap kasama. Marami akong kaibigan. Mapalalaki o ano pa man. Di ako nagseseryoso sa mga relasyon puro testing lang. And then one day nagbago ang lahat, nagkaroon ako ng bestfriend na galing sa circle of friends, lagi ko syang kasama,kausap, katext namimiss namen isat isa pag di kame magkausap. Nagpatuloy kameng ganto ng ilang buwan. Nagkapalagayan kame ng loob, yung pakiramdam na walang makakapigil samen hahahaha. At first alam ko na ex nya yung isa ko ding malapit na tropa. Nagkamali ako na maiintindihan nya ako na magiging masaya sya kase masaya ako. Nagkaroon kame ng di pagkakaintindihan at nasayang ang pinagsamahan.
Naging kame ng isang taon. Masaya, madaming bagong naranasan, madaming pinag awayan,sinama sa mga pangarap, bumuo ng mga desisyon, naging matatag. Legal na relasyon in both company, yung parang perfect ang lahat. Yung parang kahit mag away kayo iisipin mo na lang na magiging okay din kayo. Natuto akong dumistansya sa mga kaibigan ko, lahat ng oras ko binigay ko sa kanya wag lang kame mag away. In short natuto akong magpakatanga. Sya inuuna ko bago ang sarili ko, di ko makita sarili ko basta gusto ko lang masaya sya. Kahit lakas toyo nya iniintindi ko sya, pero ako naman ang di nya maintindihan, parang di kame pantay ng pagmamahal. Mas lumamang ako. Ginawa ko syang mundo ko, sya na lang lagi. Sinasabi nyang mahal nya ko pero nawalan sya ng effort. Bigla syang nanlamig. Nagagalit ako sa kanya kase naging iresponsable sya,naging makasarili sya, lagi syang pabebe. Hahahaha babae naman ako pero bakit parang ako pa ang kailangang sumuyo. And then iniwan nya ko. Naramdaman ko na to before maganniv. Nag effort ako,mga kacornihan ginawa ko, nag ipon ako kase sa entire life ko sa kanya lang ako nagseryoso, sa kanya lang ako tumagal, sa kanya ko lang ginawa yung sweet part ko. Nadismaya ako, on that day celebrating anniv di na masaya. Ang cold. Di sya nag effort, di nagbigay importansya yung as in kahit letter lang which is dream ng mga kababaihan. Patay ang oras,mairaos lang. Nangyari na nga. Napagod na,sumuko na, umayaw na. Wala na. Yung isang taong pinagsamahan, tinapos nya sa isang gabi lang. Oo nakakalungkot, nakakahinayang pero isa syang magandang alaala at karanasan.
2 weeks pa lang kaming wala. Pero sapat na yung mga araw na yon para marealize lahat at kung para san at bakit nagyayari ang mga bagay. I learned a lot, my friends help me to recover dahil saksi sila sa story namen, alam nilang naging totoo ako sa lahat ng pinakita ko. Put God first, pag masaya kasi tayo nakakalimutan natin sya. Bago ka magmahal ng iba tandaan naten na dapat si God muna at ang sarili naten. Appreciate even little things. Pag nasa center sya di tayo maliligaw, ituturo nya pa satin ang tamang daan. Ibibigay nya saten yung pinakadeserve naten, kasi we all worth it. Kaya pag nagmahal tayo make sure na dapat simula pa lang tama na. Pairalin ang utak bago puso, enjoy in ang buhay habang may chance ka. And sa tropa ko na naging selfish ako kase mas pinili ko si boy, ginawa ko na ang tama,nagsisi na ko. Nasaktan kita kaya alam kong kahit anong mangyari di na maibabalik ang dati, pero masaya ako dahil naging parte ka din ng masasayang alaala ko
Focus on our dreams, ngayon pa lang simulan na dahil lahat tayo may chance lahat tayo pedeng bumangon. Nasaktan tayo pero natuto tayo. Nagmahal pero sa maling tao which is di mo kawalan. Masarap sa pakiramdam na yung mahal mo, mahal ka din, maswerte ka kung ganun. Totoo na kapag may panget na nangyari may magandang kapalit, mas naramdaman ko na ang sarap mabuhay I'm so blessed having my family and friends out there na ginawa ang lahat mapasaya lang ulit ako. Tanggap ko na at natututo akong ngumiti ulit. Makakahanap tayo ng kanya kanya nating katapat and while waiting make sure na minamahal at pinapahalagahan natin ang ating sarili, gawin naten yung mga di naten nagawa in good way. Make each day productive. If you want to see the rainbow you must deal with the rain.
Hope guys may nakuha kayong kapulot pulot kahit kaunti. Hahahaha Thank you for reading and Godbless us.
chinitang loyal
2017
College of Engineering
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles