Internship Syndrome Debunked

3K 30 0
                                    

Internship Syndrome according to a blog is "namumuong pagtitinginan ng mga intern na naka-duty sa iisang ospital". Some say na after internship natatapos din naman yung relationship na nabuo to disprove this, allow me to share my story, medyo mahaba pero worth reading i hope.

Sa Medtech, ang fourth year is for internship, so duty duty na sa ospital, kaya isa ito sa pinakaaabangan ng mga students. Sa Internship, marami kang makakasalamuha and makikilala from other schools.

It all started, the 4th of may, unang night duty - and 24 hours - ko with my group, with him. I saw him, nag follow up ng results from my section and since its my first duty, i was pretty clueless kaya tinulungan nya ako. From that moment, i realized na, he's my happy crush kasi he was so nice, simple lang and cuteee!! Pero even though we were groupmates, di kami madalas mag kita kasi di kami postmates and dahil dun di kami naging close masyado, nagkakausap lang kami pag sabay kaming uuwi (kasi we both take the lrt). kaya minsan may mga eksena pa na mag mamadali ako pa lrt pag nakita ko nang nag out sya, or minsan uunahan ko sya para ""magkasabay"" kami haha

after a while, nalaman ko na he likes my bestfriend na groupmate din namin. nasad ako syempre pero tanggap ko naman. di naman ako kagandahan tas di pa kami close ni kuya, we were merely acquaintances. Kaya sabi ko, medyo distansya na ko. i tried to take my mind off of him, mahirap pero keri. mahirap kasi ang saya kaya ng mini kilig moments minsan haha

Come august, malapit na sila umalis. mas nakakalungkot pero inevitable. Since paalis na sila, laging nag aaya mag bonding groupmates namin and slowly naging close kami. after that he started sa second in nya, pero nagkakatext na kami and since may make ups pa sya, nag mamake up sya pag duty group namin. umabot sa point na lagi kami magkatext and magkausap sa phone. then one time, nung pauwi kami from grand duty, nag aya sya mag ice cream to set up yung 2 friends namin but it ended up na kami yung lumabas at muntik pa syang di makapasok sa night duty nya hahaha at nasundan pa yung mga labas na yun with movies and stuff, we just enjoy each other's company.

Then kami naman yung lilipat ng ospital, and 50% chance is mapunta ako sa hospital kung saan sya nag iintern for 2nd rotation kasi malapit lang samin. So i asked for a sign, pag ako napunta doon it's meant to be, pag hindi, it means na hindi pa ito ang right time and he is not the right guy. pero dun ako napunta and now.....

8 months na kami and going strong, so shoutout to people na nagsasabing Internship Syndrome lang to. At first siguro, pero it became more than that. here comes the hard part, im leaving for the states after boards and Nag Med. Pero i perpetually believe that we could overcome the next five years. and we will try our best. See you next summer, hopefully!! (crossfingers)

This was supposed to be a surprise pero you saw it, kaya alam kong aabangan mo ito, so hi babe hahahaha! And sa mga naging co-interns ko, kung alam nyo kung sino to, wag na mag tag pleaseee, thanks guys!! (bracing myself for the "walang forerver" comments hahaha)

FrustratedPediat
2015
Faculty of Pharmacy

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon