Best Actor & Best Actress II

2.1K 54 0
                                    

GUSTO KO LANG MAG REACT DUN SA POST NG GIRLFRIEND KO si Best Actress. OO na tama ka nga, updated na kung updated haha!

Una, paakyat ka pa lang sa overpass alam ko nang may mali sa paglalakad mo. Nasa likod mo ko nun, sinadya ko talagang magbagal sa paglalakad.

Pangalawa, nung natapilok ka na, nagulat ako tapos hindi ko alam kung paano kita hahawakan para di ka tuluyang malaglag. kaso ang bilis ng pangyayari.

Pangatlo, pagbuhat ko sayo alam ko namang nagkukunwari ka lang. Ramdam ko kasi yung kaba mo nun, tinitigan kita, kumukurap kurap yung mga mata mo, pinipilit mong pumikit na parang natutulog lang.

Pangapat, nung nasa clinic ka na, after kausapin nung nurse yung pinsan mo, magsesend sana ako ng picture mo sakin, kaso may password. Kaya sinubukan ko na lang i-miss call ung number ko, kaso lumabas yung loadwatch, 4pesos na lang load mo.

Panglima, nasalubong ko pa yung pinsan mo. (Namukaan ko dun sa picture na nag-appear nung tumawag sya) Nakalimutan ko kasi itanong yung pangalan mo. Kaya tinanong ko sya tapos sabi ko akko yung nagdala sayo sa clinic.

Pang anim, GULAT KA NO? Hindi mo alam yan dba? dahil hindi ko sinasabi sayo. Well, marunong din naman akong umarte at magpanggap. Kala mo ikaw lang ha. XD

Pangpito, ANO NAMAN KUNG I-TAG KA? Tapos naman na yun. Gagraduate ka na nga eh. TAG NA BA KITA? Bwahahaha! ^^

Pangwalo, ALAM KONG NANGGAGALAITI KA NA NGAYONG NABASA MO TO. Inis na inis ka nanaman. Ang Cute cute mo pa naman pag naaasar. At alam kong gustong-gusto mo din mag react at mag comment dun sa post mo! Haha

Pangsiyam, HAPPY 5th MONTHSARY BABE! Thankyou being there for me, thru good and bad times. Thankyou for the funny moments. Ang kulit mo sobra! Walang dull moments pag kasama kita. Never ako nabadtrip sayo, at Mahal na mahal kita kahit ano ka pa! Sana mabasa mo agad to. Kita tayo ulit mamaya sa overpass. Same time ok? ILOVEYOU MORE KIMBERLY! 

Pangsampu, UYYYY!!! Daming bitter nanaman dyan. Dami din macucurious. Malamang marami ding mag-aabang mamaya sa Overpass. Kita kits mga pre! XD"

BABEbibobu
2010
Faculty of Engineering


Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon