Cheating

4.8K 117 3
                                    

PANGONGOPYA. CHEATING. Hindi ko alam na normal na bagay pala to. Nalaman ko lang nung nag-aral ako sa Pinas. OFW kasi parents ko so para happy family nag migrate kami sa bansa na pinagta-trabahuan nila somewhere in Europe pero dito na ko nag college. Doon ni minsan hindi pumasok sa mga estudyante na mangopya. AS IN. Kahit kelan wala 'kong kilala na nangopya at nagpakopya. Bakit? Kasi tangina hindi lumalagpas ang guro ng lesson kapag hindi nage-gets ng LAHAT (AS IN LAHAT) ng estudyante ang lesson. As in tatanungin kami isa isa kung gets namin at hindi kahihiyan samin na aminin na hindi. So wtf bat ka mangongopya kung gets mo naman? DIBA YUN YUNG POINT NG EDUCATION? Oo may mga tamad/busy na tao na hindi nakakagawa ng assignments pero pucha pinapanindigan naman nila na hindi sila nakagawa o kahit kulang eh nagpapasa sila ng assignment.

Unti unti sumama ang tingin sakin ng classmates ko dahil di daw ako marunong makisama/mapagmataas. Pero hindi ba dapat ako yung mainis kasi sila na nga yung nanghihingi sila pa galit? So wala ako nagawa overtime unti unti akong nakiuso at nagpakopya/nangopya. Puta sabi nga nila ""When in Rome do as the Romans do."" Pero palitan niyo yung Rome ng Pinas. Oo hindi ko pinanindigan dahil ang hilig ng mga kaklase ko mang ""isolate"" ng kaklaseng hindi nakikiuso pero nasusuka ako sa ginagawa ko.

Nakakasukang education system. Napipilitan mandaya ang estudyante dahil di nila maintindihan ang lesson. At sa mga estudyante naman, speak out. Pucha ano ba yan pano malalaman ng prof na hindi niyo gets?

as isa pa nagulat din ako sa education system ng Pinas pagdating sa ARTS. Leche di man lang tinuturuan mag piano mga estudyante? Hala. Kahit yung ibang private schools walang recital. Para saan pa ang ""MAPEH""?? Di naman kelangan GRAND PIANO ang iprovide. Pwede naman kahit simpleng chipipay na electric keyboards lang. Ano tinuturo HISTORY OF MUSIC from grade 1 hanggang grade 12? Tuturuan do-re-mi pero alam ba kung saan pipindutin? Kung anong tunog? Pano nila ma-aapreciate ang art? Di rin tinuturo ang HERITAGE na mga lugar sa Pinas at a young age kaya nabababoy eh. Tapos wala ding ""Theatre Arts"" na kahit konti eh kaya tignan niyo nakakaawa yung mga local films.

Sa tingin ko eto ang dahilan kung bakit mababa ang tingin ng mga tao sa pinas sa MUSIC AT ART MAJORS at kaya napipilitan mag ""science"" course ang iba kahit deep inside alam naman nila na hindi nila calling. Kaya din tawang tawa ang mga kabataan sa mga nakahubad na sculptures at paintings. TSS!

Eto pa. Nasaan ang karapatan? Pro-RH BILL ako so hindi ako sumasama sa mga prayer rally na nire-require ng mga prof. Ng malaman yun ng prof ko shiname niya ako sa harapan ng mga kaklase ko. Sabi niya hindi daw ako ""enlightened"" punyeta bawal ka na rin magkaroon ng sariling Political POV ehno? Ipapahiya ka eh. Prof pa puta. Bawal ka magkaron ng sariling isip eh. Nyetang edukasyon yan. Kung doon sa ibang bansa sinisikap ng mga guro na magkaroon ng sariling pananaw ang mga estudyante dito pinipilit ka mag-conform eh.

Tangina ano sasabihin niyo ""Edi sa ibang bansa ka mag-aral"" puta hindi ba dapat itama ang mali? Hindi perpekto ang education system ng ibang bansa pero at least hindi ganto ka fucked up. Hindi ko tatanggalin ang karapatan niyo ma-butthurt pero after nun sana matanggap niyo ang kamalian ng lahat mapa-estudyante, guro, at nagpapatakbo ng edukasyon. Sana pagkatapos neto maisip niyo na ang katabi niyo na mahilig mandugas baka after 20 years eh ang pangulo na ng Pilipinas. At guess what? Baka mandudugas pa rin siya.

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon