Exactly 4 years ago...
Apat na taon na ang lumipas ng sinagot mo ako. Sino bang magaakala na magiging tayo? Sa totoo lang hindi ko lubos maisip kung paano nangyari ang lahat sa atin. Sayo ako natuto gumawa ng tula. Ginawa ko pa yun sa isang 1/4 illustration board nung manligaw ako sayo. Effort kaya yun. Sa portfolios ko nga wala akong kadesign design, pero sa poem na yun todo bigay ako. Maaaring sayo ko kasi binigay ang lahat. Lahat ng effort, lahat ng pasensya, lahat ng pagaaruga. Nandyan nga yung lumuhod ako sa plaza mayor para lang magkabalikan tayo. Nandyan yung kumanta ako ng The Man Who Can't be Moved sa labas ng bahay ng bestfriend mo para lang kausapin mo ko. Nandyan yung tinulungan kita magligpit ng gagamitin mo para sa CAT camping. Nandyan yung araw araw na routine na Training tapos punta sa bahay niyo tapos balik sa training. Nakakapagod yun a. Pero yun nga, hindi ako magmamalinis. Niloko kita. Aminado ako. Maraming babae ang namagitan sa ating dalawa. At alam kong bilang mo yun. At bawat hiwalay natin, tinatanggap mo lang ako ng tinatanggap. Alam kong nagpakatanga sa akin nun. Pinili mo pa din yung TAYO. Sabi ko nga sa sarili ko saan ako kukuha ng babaeng kagaya mo na tatanggapin ako sa bawat kamalian at pangbabaeng nagawa ko. Pero nung huling naging tayo. Yung huling nagkabalikan tayo, ginawa ko ang lahat para maging mabait at maging loyal. Sabi mo nga sa nirecord mo noon para sa akin,""Loyalty is enough Babe."" Pero sa huling chance na yun. Naggive up ka. At nagkasundo na tayo na itigil nalang ang lahat. Sabi mo nga noon hindi na kaya ng motto na natin na ""Against all odds."" Kasi ayaw na sa akin ng friends mo at family mo. Ayaw na sa atin ng environment na kinalalagyan natin. Sabi mo nga, hindi ka sasaya sa ginawa mo pero ikakabuti natin itong pareho. Totoo nga siguro yun. Kasi mukhang naging mabuti na ang buhay nating isa't isa. Madami akong natutunan sayo na kung iisa isahin ko pa e mas marami pa sa grade ko sa accounting. Maybe mas better nga ang ganitong buhay. Pero sa totoo lang, mas pipiliin ko pa din yung araw na magkasama tayo. Yung mga araw na nakasandal ka sa akin habang nakasakay tayo sa fx pauwi. Yung mga araw na excited ako maguwian kasi yun yung part ng araw na magkikita na tayo. Yung mga araw na ihaw ihaw lang malapit sa amin e sapat na para sayo. Yung mga araw na nakaupo lang tayo sa sala at nanunuod ng movie tapos ihuhulog mo ko sa upuan. Yung mga araw na ang weird weird mo pero tntry mo lang talaga magpacute. Yung mga araw na matataranta ka na kala mo iniwan na kita kasi di na naman kita macontact. Yung mga araw na nagmahalan tayong dalawa at umasta na parang tayong dalawa lang sa mundo. Pero hindi na nga natin maibabalik yung mga araw na iyon. Ngayon may iba ng nagpapasaya at nagaaruga sayo. Ngayon nahanap mo na yung reason why hindi tayo nagwork. I'm fine with it kasi nakikita ko na sobrang saya mo at ganun din naman ako, nahanap ko na rin yung rason kung bakit hindi tayo nagwork. Hindi man tayo umabot sa 4th anniv natin, may mga magandang nangyari naman sa kanya kanya nating buhay. Siguro the one that got away kita. Pero ganun talaga, lahat ng bagay nagbabago. Lahat ng pangyayari natatapos. Pero bago ko tapusin ito, babatiin pa din kita ng Happy 10. Sana maging masaya ka sa araw na ito. smile emoticon masyado ng mahaba. Marami ng maiinis. Sige. "See you when I see you" smile emoticon
Louie&Sophie
2013
UST High School
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles