Wag Niyo Kong Tularan (Reply)

2.3K 43 4
                                    

The guy in the story is my brother. He's my kuya, my bestfriend, my guardian angel, my protector and everything. He is the most caring and loving person na nakilala niyo. Apat kaming magkakapatid, siya lang ang nag-iisang lalaki. Kaya sobrang bait niya kasi lumaki kami na nag-aabroad si papa at siya ang nagsilbi naming tagapagtanggol sa lahat ng oras. He never let anyone hurt his younger sisters and si mama. Lagi niya kaming inaalagaan at ni minsan, hindi siya naging sakit sa ulo ni mama at papa kasi lahat ng gusto nila, sinusunod lang niya para mapasaya sina mama at papa.

Si Kuya Romer, my best buddy, lagi lang nakangiti yan, kahit minsan di ko naisip na napakabigat pala ng dinaramdam niya. Kaunting biro ko lang sakanya na mag-ice cream naman kami, aalis agad yan at pagkabalik ni kuya, may uwi na siyang ice cream. Ice cream ang madalas naming bonding na magkakapatid para magkwentuhan, ayaw na ayaw niya na iinom kami lalo na kung di namin lubos na kilala yung mga kainuman. He's a very caring and protective kuya. Call him ""old school"" pero napaka-sweet talaga ni kuya, kahit na mayroon mang di nakaka-appreciate sa mga kacornyhan niya, ok lang yon.. at the end of the day, kami pa rin naman ang kasama niya, lagi niya kaming hinahug ni kuya lalo na kapg pagod siya sa trabaho.

Napaka-understanding niya. He knows how to deal sa mga girls during their period dahil tatlo kaming babae na kapatid niya, kapag nararamdaman niyang nagsusungit na ako/kami, mag-aaya na yan sasabihin niya, stroll tayo? ice cream? pizza? Anything to ease your pain. Tapos bigla siya tatawa kasi nakasibangot lang kami, nawawalan pa naman siya ng mata kapag tumatawa kasi chinito si kuya.

He knows how to deal with women so well. He who knows how to love and care for a woman, siya pala yung deep inside ay sobrang nasasaktan. Di siya nagkukuwento saming magkakapatid na sobrang nahihirapan na pala siya sa babaeng mahal niya. Ang alam lang kasi namin is okay naman ang lahat between her and Ate Trisha kasi tuwing uuwi naman siya, masaya naman yung mukha niya. Pagkatapos kumain ng dinner, derecho lang sa kwarto niya para gumawa ng paperworks and maglaro ng games sa smartphone niya. Super busy niyang tao dahil Supervisor siya sa company nila pero pinipilit niya na mayroon pa rin siyang time para samin. He always make time for his family. Lagi niyang chinecheck every night kung nakatulog na kaming magkakapatid at si mama, tapos ikikiss niya ako sa noo then bubulong ""Mag-aral ka ng mabuti ha, wag ka muna magboboyfriend. Mas masarap mag-aral. Ayaw kong may kahit isa sa inyo ang masasaktan at iiyak. Mahal na mahal ko kayo. Tulog na ha. Good night baby chin"".

Ganyan ka-sweet and thoughtful si kuya. Napakarami din niyang natutulungan na tao, lalo na yung mga matatanda na namamalimos sa labas ng fast food, ipinagte-take-out pa ni kuya ng foods yun kapag kumain kami sa labas kasi naaawa raw siya at lagi niyang tinatanong kung nasaan na daw ba yung mga anak nung matanda na namamalimos. He's a God-fearing person, never ko nabalitaan na napaaway si kuya, never siyang nambabae or gumimik kasi nung nag-aaral pa siya dati, focus lang daw talaga siya kasi gusto niya na makapagpahinga na rin si papa sa pag-aabroad niya. Siya lang ang kaisa-isang lalaki na nakilala kong di nahihiyang sabihin na virgin pa siya, ayaw daw kasi niya na mangyayari samin yung mga magagawa niya sa iba. Ayaw niya na may mananakit samin, ayaw niyang may babaeng naiiwan at nasasaktan kasi lagi niya raw iniisip na kung gagawin man niya, paano na daw kung sa amin mangyari yung mga ganung bagay.

Para naman sa'yo Ate Trisha, gustohin ko mang magalit pero wala namang mangyayari. At alam ko rin na hindi magiging masaya si kuya kung magagalit man kami sa'yo. Siguro kung nabubuhay man si kuya ngayon, ang gusto niya ay magmove-on ka na at baguhin mo ang sarili mo para sa makabubuti. Maaga man siyang kinuha ni Lord at the age of 27, alam ko na naging fruitful naman ang pag-stay ni kuya dito sa lupa.

One thing, para sa akin, hindi weird si kuya. Kung mas pinili man niya na manahimik nalang nung mga panahong sobrang nasasaktan siya, Yun ay dahil isa siyang matatag na tao. He don't want you to pity him, ang gusto niya ay mahalin mo rin siya kahit saglit lang.

Di na natin maibabalik ang nakaraan. Maging masaya nalang tayo kung nasaan man siya ngayon, alam ko na lagi ka niyang binabantayan. Nakakatampo nga eh, kasi bago siya mawala, pangalan mo yung huling tinawag niya. Kahit sa huling sandali ng buhay niya, ibang tao pa ring ang iniisip niya.

Hi kuya, alam ko na habang sinusulat ko 'to katabi kita. Sorry kung nakikita mong umiiyak ako ngayon. Nararamdaman ko pa rin yung pagmamahal mo. Salamat sa lahat ng naituro mo sa akin, Mag-ice cream naman tayo ulit kuya kahit sa panaginip lang? Salamat nga pala sa pagkiss mo sa noo ko last night noong hindi ako makatulog kasi namimiss kita. Miss na miss ka na namin nila mama at papa. Walang anumang bagay sa mundong ito ang makakatumbas sa kaligayahan na naibigay mo sa amin nung nabubuhay ka pa. Rest in Eternal Peace Kuya, Bestfriend, Best buddy, my guardian angel and protector... Magpakabait ka diyan ha. Alam kong nandito ka lang at binabantayan kami palagi. We will always love you.

Spoiled Bunso
201x
College of Medicine


Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon