Last night while I was walking in SM North habang hinihintay yung pinsan ng BF ko, a guy in maroon shirt and shorts and slippers asked me if I'm studying in UST. nasa mid 20's sya. I said no and kept going. familiar daw kase ako at kanina nya pa daw ako tinitingnan at kase malapit daw place nya sa UST. ""aah okay."" so supposedly he should go away na but he keep on following me wherever I go. kaya daw sya nasa SM kasi bibilhin lang nya lulutuin nyang ingredients sa sinigang (kaya pala naka ganun na suot lang) at kwento sya ng kwento. tungkol sa family nya, work nya, places na napuntahan nya in short nagpapa impress. he even asked me to have dinner or coffee. I said may hinihintay ako. instead he asked me to have a sit sa stairs na papunta ata sa stock room. I freaked out. pumwesto ako sa harap ng 2 security guards at sa merong CCTV. sunod pa din sya. I'm not looking at his eyes kase baka hypnotist sya. and I also thought nga set up to ng pinsan ng BF ko kase dati sinet up na ako ng BF ko na kabababa lang sa barko at akala ko may ibibigay lang yung workmate nya sa akin. yun pala BF ko ang immeet ko. anyways. later on sinasabi na nya na gusto nya ako maging GF. WHAT??! the nerve dba?
sample ng mga sinabi nya.
""look at me (hinawakan nya ako sa braso at tiningnan sa mata) I'm not after sa sex or what. I just like you. you're simple. masaya lang tayo pag magkasama, may bahay naman ako pwede ka sa akin tumira if you want. I can go to your place. atleast dba kung ikaw ang pupunta sa akin, dka na mammroblema sa pag sstayan mo at ganun din ako kung pupuntahan kita. I have business. hindi naman ako pangit/maitim. matangkad naman ako. bagay naman tayo. you will need me. susuportahan kita sa gusto mo. kung magka BF ka man/meron man hindi ka sasaya sa kanya tandaan mo yan kasi nandito na ako oh. wala ka nang hahanapin. mamahalin kita. I mean everything happens for a reason. palalagpasin mo pa ba? I mean you only live once. bakit hindi mo na lang i-enjoy? just go with the flow. naghahanap kasi ako ng girl who will love me, take care of me and understand me kung ano o sino ako. hindi ka mabboring sa akin. tingnan mo nga salita na ako ng salita. paliligayahin kita. ganto kasi ako ee once na may nagustuhan akong girl pinupursue ko talaga. sabihin mo mang weird ito. "" blah blah blah. he just speaks. sabi pa nya ""start na ngayon ng monthsary natin."" napa WOW HA!? ako.
muka naman syang edukado the way he speaks.
nakalimutan man lang ata sabihin name nya at napaka unusual kasi hindi nya agad tinanong name ko. saka na lang nya tinanong nung hinihingi nya no. ko. tindi dba? pero eventually sinabi nya din buong name nya. nagpapa add pa nga sa FB ee.tapos napatingin ako sa kanya kase natigilan sya sa kadadaldal nya nakita ko syang tinitingnan ako ulo hanggang paa. alam nyo na yung ganung tingin. hindi naman bastusin ang suot ko kase balot na balot naman ang suot ko sa pants and denim long sleeves.
I was more frightened when he pulled me and hugged me nung bigla akong aalis na. ang kapal pa ng mukang humingi ng good bye kiss.
nacurious ako chineck ko yung FB nya, sya nga yun at yung cover photo nya same yung shirt na suot nya nung nagkita kami. may post pa na Godly words.this is not just for the stranger I talked to. this is also to everyone who do these kind of tricks. ang baba ng tingin nyo sa mga babae. sino naman ang babaeng matino na papayag sa gusto nyo at bakit naman papayag yun ee they don't even know you. wag nyo nga gawing tanga ang mga babae para sabihin nyo na agad na mamahalin/mahal nyo na sa unang pagkikita? kalibugan lang yan. kung seryoso ka sa babae, wag hook up, ligawan mo. and if you're lucky enough she will give you all you need.
iyakin
2017
Tourism
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles