Elementary pa lang ako, alam ko na hindi ako straight guy. Only boy ako sa aming magkakapatid, kaya ang laki ng pressure sakin, hanggang high school ako lang ang nakakaalam. Hindi ko masabi sa mga kaibigan ko kasi natatakot ako, hindi ko nagawang mahalin ang mga taong gusto kong mahalin. Fast forward na sa 1st year college, nakilala ko si Mark, seatmate kami. Sya ang una kong naging kaibigan. Straight sya, alam ko haha. Nung una dalawa lang kami pero habang tumatagal, dumadami na ang barkada. Still, wala pa din nakakaalam ng secret ko. Lahat kami sa barkada nakapunta na sa mga bahay bahay namin kaya magkakakilaka na ang families namin kaya pag may lakad kami, payag agad ang parents namin. Sabi ko sa sarili ko, hindi ko pwedeng magustuhan si Mark, at mas lalong hindi ko sya pwedeng mahalin. Ayoko kasi pag nalaman nya, baka mawala ang lahat, ayokong mangyari yun. Sino bang hindi magkakagusto sa bukod sa gwapo na, mabait, religious at simple lang. Sya ang pinakauna kong bestfriend na seryoso talaga. Yung totoong bestfriend. 3rd year college, Eng'g week non, nagkayayaan kaming uminom sa bahay ng isa naming katropa, lima kami. Lahat wasted na nong gabing yun, ako at si Mark na lang ang umuubos ng drinks. Ako yung tipo ng tao na kahit lasing, alam ko ang ginagawa ko. Pero medyo hindi ko na kayang pigilan. Nagreal talk kami. Siguro nahahalata nya yung pagkilos ko, mga pananalita ko, at iba pa. Ito yung hindi ko makakalimutan yung pinakaunang seryosong tanong nya sakin, "Franz, ano ka ba?" Yung feeling na sobra akong nagising sa kaba, na gusto kong magpanggap na tulog ako. Haha pero hindi ko magawa kasi ayoko na din itago, hirap na hirap na ako, na kelangan ko ng isang tao na mapagsasabihan ng mga problema ko. Ayun sinabi ko na ang totoo, sinabi kong gay ako, sinabi ko na matagal na. Tinanong nya ako kung gusto ko ba sya, shit talaga, tipsy na ako, kaya ayun nasabi ko ang totoo sa kanya at natulog na kami. After non, almost 1 month nya akong hindi pinansin, wala kaming usap, walang kaalam alam ang barkada kung ano ang away, nahati sa dalawa ang barkada. Yung iba sumama sa kanya, yung iba sumama sakin. Awang awa ako sa amin, sa barkada, kasalanan ko ang lahat. Nadamay pa sila. Pauwi na ako galing school, diretso kasi yung street namin kaya kahit malayo pa lang ako, kita ko na agad yung bahay namin. Nung medyo malapit na ako, nakita ko sya, si Mark, nakaupo sa sa labas ng gate ng bahay. Hindi ko alam ang gagawin ko nung time na yun, parang ayoko na umuwi, parang gusto kong may puntahan na iba, pero kahit ganon pa man, kelangan kong harapin ang consequences ng ginawa ko. Tumayo na sya nung malapit na ako, nagsmile sya sakin at sinabing "miss na kita gago". Hindi ko napigilang umiyak non. "Sorry kung naging OA ang reaction ko, nagulat kasi talaga ako sa sinabi mo. Bakit hindi mo sinabi sa amin, as akin, wala ka naman ikakatakot eh. Walang naman magbabago satin, sa pagkakaibigan natin, pero hindi kasi pwede eh, hanggang kaibigan lang talaga. Sorry" tumawa ako ng malakas sa harapan nya nung sinabi nya yun. Hindi ko naman kasi sinabing magkagusto din sya sakin, ang sinabi ko lang, gay ako at gusto ko sya, pero wala akong sinabing magkagusto din sya sakin. Hahaha tumawa din sya. Niyakap ko sya kasi sobrang saya ko at thankful. Though, outside nakangiti ako, pero deep inside, nasasaktan ako. Bumalik ang lahat sa dati, nagsama sama na ulit kaming magkakatropa. Pero kaming dalawa pa din ni Mark ang nakakaalam. 4th year college, Dumating ang araw na pinkahihintay ko, ang araw na magtatapat ako sa mga magulang ko. Kinausap ko si Mark, tinanong kung tama ba ang gagawin ko. Sinuportahan naman nya ako, tinanong nya ako kung gusto ko ba daw ng kasama at sasamahan daw nya ako. Sabi ko huwag na, mas mabuti pa na kaming tatlo lang ni mama at ni papa ang magusap usap. Baka din mapagkamalan nilang boyfriend ko si Mark (wish ko lang hahaha) dumating na ang gabi ng buhay ko, pagkatapos namin kumain, nasa living room kami at nanonood ng tv. Sabi ko kay mama, may sasabihin ako sa kanila ni tatay. This time, umiiyak na ako. Pati din si mama lumuha na, pati din yung kasambahay namin. Sinabi ko na ""Ma, Pa, sorry kung nabigo ko kayo, sorry kung hindi ko kayo mabibigyan ng mga apo, sorry kung feeling nyo mapupunta ang mga pinaghirapan nyo sa wala. Pero kasi ma, pa, hindi ako lalaki, hindi ako tunay na lalaki."" At ayun wala nang tigil ang pagluha ako. Ineexpect ko na ang magiging reaction nila, yayakapin sana ako ni mama pero sabi ni papa ""Lumayas ka sa pamamahay ko, wala akong anak na bakla, baka kung ano pa magawa ko sayo"" gusto kong yakapin si mama pero natakot na ako kay papa. Sila ate, nagulat din at umiyak sila. Wala akong dala kundi phone at baon ko for 1 week. Nagmamadali akong lumabas ng bahay, umiiyak, halos wala na akong makita kasi puro luha ang mga mata ko. Hindi ko alam kung san ako pupunta, pano ang school ko, san ako matutulog, ano na mangyayari sakin. Pero pag labas ko ng gate sa bahay, nagulat ako, nandun si Mark, wala na akong nagawa kundi umiyak at tumakbo papalayo sa bahay. Sumakay ako ng taxi, pumasok din sya at dun ko sinabi ang lahat. Sa bahay na lang daw nila ako matulog. Don ako nagstay hanggang grumaduate ako. Nagworking student ako, para ipagpatuloy ko ang studies ko, sayang naman kasi kung ititgil ko. Nawala ang kain-tulog-gala kong buhay. Kumalat na ang balita, ang bilis nga eh haha. Halos araw araw akong dumadaan sa bahay, gusto kong pumasok pero hindi ko magawa. Thru phone lang kami naguusap nila ate, at ni mama. Nagkikita sa mall, nang hindi alam ni Papa. Nagtapat na din ako sa lahat ng mga kaibigan ko, mga pinsan ko. Graduate na kami, maraming nangyari. Nakapasa kami lahat sa boards, Yung family ko nasa states at iniwan ako, pero naiintindihan ko sila, si mama at sila ate. Matagal kaming walang communication. Masakit na wala sila nung graduation ko. Si mark, may asawa na, actually lagi akong third wheel sa kanila nung nagliligawan pa sila at nung sila na haha. Okay na ako, noon ko pa naman tanggap na hindi magiging kami. Boyfriend ang hiniling ko kay God, pero guardian angel ang ibinigay nya sakin, si Mark. Ang swerte at blessed ko na naging bestfriend ko sya.
Nung kasal ni Mark, nagbigay ako ng speech haha lahat ikinwento ko, yung mga nangyari nung college kami hahaha wala nang akward akward samin eh, tumatawa na lang kaming kahat. Akala ko tapos na ang lahat, akala ko habang buhay na akong tatanda na hindi kasama ang aking family pero hulog talaga ng langit sakin si Mark, kasi nung kasal nila, Dumating sila papa, mama at sila ate. Doon nangyari lahat ng drama, iyakan, yakapan. Nawala ang lahat ng sakit. Naging kumpleto kaming lahat. Yung kasal pala ni mark, ang sagot. Binigyan nya pala ng invitation sila mama, hindi ko yun alam. Hindi nya ako sinabihan. As in Lord, thank you po kay Mark. Nagttrabaho na ako ngayon. Nakatira ako kasama sila mama at papa sa regalo kong condo sa kanila, inaalagaan ko sila. sila ate naman may mga kanya kanyang pamilya na. Hindi ako natatakot tumanda ng magisa. Kasi nagpromise si Mark na, kapag nawala na sila mama at papa (huwag pa naman sana), papatuluyin daw nila ako sa bahay nila kasama silang magasawa at mga anak nila. Hahahaha close naman kami nung asawa nya, ninong ako ng lahat ng anak nila. At kung umaasa pa kayo na magkakasomething kami ni Mark, walang wala po. Hahaha yun lang, salamat sa oras, sa pagbasa ng life story ko.
Franz
2008
Faculty of Engineering
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles