Tumagal tayo ng 4 and a half years noon. Bago pa tayo gumraduate ng grade school, naging tayo na. Simula ng araw na yun, pakiramdam ko na hindi lang ako sobrang swerte, kundi sobrang blessed. Nakakalungkot nga lang na alam naman nating dalawa na hindi pwede maging tayo forever. Dumaan ang high school, at ang masasabi ko lang, sobrang mahal natin ang isa't isa. Hindi siya infatuation, true love talaga siya. Sobrang saya natin pag magkasama tayo, yung para bang nasa heaven ang feeling. Minsan mga naiisip ko na pwede bang ikaw nalang ang maging asawa ko? Hindi natin ginagawa yung ginagawa ng ibang couples sa school natin. Kumbaga tayo yung pa-virgin na couple.
Fast forward to 1 week before high school graduation. Iniyakan kita kasi sabi mo kailangan na natin tapusin to. Kasi alam natin bago tayo pumasok sa relasyon na to, hindi naman talaga tayo pwede (dahil sa religion, sa magiging busy life natin sa college at dahil na rin sa sobrang strict ng parents natin). Ayun nagbreak na tayo. Dumaan ang summer at wala akong ginawa kundi umiyak dahil of course, masakit. Masakit yung halos limang taon kitang nakasama tapos lahat yun matatapos nalang dahil gumraduate na tayo ng high school. Ang buong akala ko sa UST tayo mag-aaral pareho. Akala ko palagi pa rin kitang makikita. Pero bigla nalang nagbago yun. Pinag-aral ka ng mommy mo sa probinsya nyo, at ako naman dito sa isang school sa Manila.
Ang promise natin sa isa't isa, magiging best friends tayo at gagawin natin ang lahat para mapanatili tong "friendship" natin. Ayun na, nagsimula na ang college life natin. Naging matino naman ako, hindi ako pumaparty kasi nasanay ako na nanjan ka para protektahan ako. Nag-uusap pa rin tayo, nagkkwentuhan tungkol sa mga tao sa kanya kanyang school natin. Tapos ayun, bigla nalang hindi tayo nag usap. Akala ko kasi okay ka naman sa school mo. Pero kahit katiting ng feelings ko hindi nagbago. Ganun pa rin kita kamahal.
Dumaan ang Christmas at New Year, yehey nag usap na tayo sa wakas! As usual, kwentuhan na naman tungkol sa kanya kanya nating buhay. Nakita ko yung picture mo sa isang party. Iba yung ngiti mo dun. Para bang sobrang saya mo. Ganun yung ngiti mo pag magkasama tayo nung high school. Hindi ko alam pero nalungkot ako. Hindi naman tayo nag uusap kaya siguro may mga ibang bagay nang nagpapasaya sayo.
Nine months na tayong wala. Pag nag uusap tayo parang dati lang, sweet. O ako nga lang ba ang kinikilig? Hindi pa rin nagbabago yung feelings ko para sayo. Akala ko naman ganun ka rin. Nagkaroon ako ng weird feeling kaya sinubukan kong istalk ka. Parang gumuho yung mundo ko nung nakita ko na may iba ka na. Akala ko kasi ako pa rin. Ang mas masakit pa dun, hindi mo man lang sinabi sakin. Talagang nalaman ko pa sa iba. Eh syempre, ang sakit. Hindi pa rin ako nakakamove on. Alam kong matagal na yun, pero hindi ko pa rin matanggap na okay ka na, na nakahanap ka na ng ibang magpapasaya sayo. Siguro nga mas okay to para makamove on na talaga ako kaya naman tinapos ko muna temporarily ang friendship natin. As in no text, call or any kind of communication. Alam kong nalungkot ka nung sinabi ko yun. Alam kong importante pa rin ako sayo. Kaya lang pag kausap kasi kita, parang paulit ulit lang din akong nasasaktan. Siguro panahon naman para mahalin ko ang sarili ko. Palagi kong sinasabi sayo na wala naman akong ibang gusto kung hindi maging masaya ka. Ngayon, nakikita ko na masaya ka nang kasama siya. Siguro nga mas sasaya ka na kahit wala na ako sa tabi mo. Kaya naman susubukan ko nang maging masaya para sa inyo.
Hanggang ngayon, miss na miss pa rin kita. Feeling ko wala nang makakapalit sayo dito sa puso ko. Natatandaan ko yung mga sweet moments natin. Pero naiiyak ako. Alam kong imposible nang mangyari ulit yun. Umasa ba ko? Oo, umasa ako. Feeling ko ngayon sobrang miserble ng buhay ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung susubukan ba kitang bawiin ulit o ano. Pero sabi nga ng iba "You can't fight for something that doesn't exist."
Dapat bang tapusin ko na talaga ang friendship natin at hindi na kita kausapin forever? O susubukan ko pa rin sagipin kung anong meron tayo para hindi ka tuluyang mawala sa akin?
Ex-zoned, (not a Thomasian)
Tanga sa pag-ibig
2014
UST High School
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles