"Shinare ko ito sa inyo para may matutunan kayo. Kung hindi kayo maniniwala okay lang, atleast nai-share ko yung experience namin. Wala po sanang violent reaction) Respect
smile emoticon
(All this was exactly 9 years ago right before we graduated.)
Ganitong petsa, March 8. Sabi kasi namin, bago kami gumraduate, dapat makapag-bonding kami. So, here the story goes....Pa-byahe kami papuntang "Parang Resort" (sa province yun). Bubuyog yung tawag nila sa Barangay na yun. Yung blockmate (Shai) kasi namin taga doon, at malapit lang yung bahay nila doon. 9 kami nun sa van. 4 kaming girls, 4 silang boys at 1 gay.
Malapit na kami sa sinasabing resort, pero itong si Jannah may nakitang stall ng buko juice. Medyo hapon na noon, overnight kasi ang plano namin.
(non-verbatim)
Jannah: hinto mo muna, Shai. (Si Shaira yung nag-ddrive, sya din yung may-ari ng resort.)
Huminto si Shai sa pagddrive. Medyo nakakatakot yung lugar, puro puno, ang laki ng mga agwat ng bawat bahay. Malayo kasi sa bayan tong resort nila Shai.
Shai: Bakit? Malapit na tayo eh.
Jannah: Bibili muna ko nun oh. *tinuro nya yung buko*
Shai: T*ngina. Natatakot kasi dito eh. Sabi kaya ni Mama may nagpapakita daw dito.
Oscar: (the gay one) gag* (tapos nagtawanan kaming lahat)Bumili si Jannah ng buko juice, may lumapit sa kanyang babae. Siguro ahead lang kami ng 2 years. Nasa van kami nung time na yon, nakabukas yung door ng van tapos nakaharap kami sa stall ng buko juice .
Girl: Ate, magkano yang buko?
Biglang kumunot yung noo ni Jannah, at nagtaas ng isa nyang kilay.
Jannah: Mukha ba kong tindera?! Mas mukha ka pa ngang tindera sakin eh (umalis si Jannah sa stall ng buko juice, para bumalik sa van. *binunggo nya yung balikat na babae*HIndi na kami nagulat kasi ganon naman talaga si Jannah eh, mataray. Sanay na kami sa kanya kaya wala lang samin yung mga inaasta nya.
Habang bumabalik si Jannah sa van, nakatingin ako sa babae. Nakita ko na nakatingin din sya kay Jannah.
Sa loob ng van.
Me: Nagtaray ka na naman Jannah.
Jannah: Gag* kasi eh akala yata tindera ko. Mukha ba kong tindera?
Pinagsabihan din sya ng mga kasama namin sa loob ng van.Pag dating namin sa resort, pumunta na kami sa log cabin, magkakasama kaming lahat don. Habang ako nag-aayos ng swim suit kong isusuot, at yung iba nagpipicture taking na. Napansin ni Bakla (Oscar) na matamlay si Jannah. Nakahiga sya sa dulong higaan.
(non-verbatim)
Oscar: kanina excited kang magswimming, tapos ngayon tutulugan mo kami?
Jannah: Hindi, sumakit lang tiyan ko.
Aya: (yung isa naming blockmate) tang* baka sa buko yan! malay mo madumi pala yung tubig na ginamit dun.Biglang nag-aya si Clark (isa din naming blockmate) kaya lumabas na kami ng log cabin. Nagpaiwan sandali si Jannah, para makapagpahinga.
Lumipas yung 2 hours, hindi parin sumusunod si Jannah sa pool. So, nagdecide yung mga boys na sunduin si Jannah. Busy kasi kami that time, naglalaro kami ng volleyball sa pool.
After several minutes, bumalik si Clark, namumutla daw si Jannah. Kaya pinuntahan namin. Pagdating namin dun, namumutla nga sya, tapos puro rashes yung ibang part ng face nya. Halos mamalipit sya sakit sa tyan nya. Kaya naman lumabas si Shai sa resort at tinawag ni Shai yung Mama nya (lola nya yun, mama yung tawag nya).
Sabi sabin ng lola ni Shai, baka daw namatanda. Una wala kaming idea kung ano yun, tapos sabi ni Shai baka daw yung nangyari sa stall ng buko juice.
Mantatawas pala yung lola ni Shai. Kumuha sya ng white bowl na sakto lang yung laki, may tubig tapos dinasalan nya. May hawak ding kandila yung lola ni Shai. Tapos parang sinulat nya yung cross na sign sa bawat parte ng katawan ni jannah gamit yung kandila (walang sindi yung kandila)
Sinindihan na yung kandila tapos nagstart nya syang magpatak ng kandila sa bowl. Nakatingin lang kaming lahat tapos pang hugis ng babae yung lumalabas sa bawat patak ng kandila.
Sabi ng lola ni Shai, may nagalit daw kay Jannah na babae. Nagkatinginan kaming lahat, at alam kong iisa lang yung nasa isip namin that time. YUNG BABAE SA STALL NG BUKO JUICE.
Tapos pinainon kay Jannah yung tubig galing sa bowl. Tatlong kutasara lang naman. Sabi ko nga sa sarili ko yucky pero ganon daw talaga yun. tapos kinaumagahan, okay na si Jannah, wala na din yung rashes sa mukha nya.
Parang ang weird noh? Pero totoo, lahat pala pwedeng maging posible.
LESSON: Wag kang maging mapagmataas sa kapwa mo.
Kaya yung mga pintasera dyan, matataray, magingat ingat tayo sa mga sinasabi at sa mga ginagawa natin. Kasi hindi lang tayo ang nakatira dito sa mundo, may mga ibang elemento na dapat ding irespeto.
Carina.
2007
College of Nursing
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles