Magnanay

18.2K 439 65
                                    

My mom gave birth to me when she was 14. Yes, bata siya ng nanganak siya. Wala akong tatay. Hindi ko siya kilala. Basta ang sabi ni mommy, iniwan niya kami noong malapit na manganak si Mommy. WALA EH?! TARANTADO TATAY KO!
And I'm 21 now. My Mom is 35.

I was 17 when I met this guy.. Gwapo? Check. Matangkad? Check. He was laughing when I saw him. 3 sila actually. And lahat sila, puro gwapo.

Wala naman talaga akong pakielam sa mga lalaki. Goal keeper ako. Nung nalaman ko yung story ni Mommy, natakot ako na baka matulad ako kay Mommy. But this guy, wala eh. Nakakainis kasi kakaiba siya.

Hinanap ko siya sa lahat ng building. Nagbaka sakali ako na makita ko siya. DESPERADA AKO NOON EH!

Akala ko hindi ko na siya makikita. Pumunta ako noon sa Mcdo malapit sa campus. Ang daming tao kasi lunch break talaga siya. As in punuan! Merong apatan upuan akong nakita. Doon nalang ako kumain.

At doon kita nakita! Shet! Ang gwapo mo talaga! I really swear!! Bakit ganyan?! At dahil punuan non.. at sa table ko lang ang available..

"Miss, pwede?" tanong mo sakin. Bigla pa ngang nagtawanan yung mga kaibigan mo eh.
"Pwede ang alin, Jace ( not his real name )? Banat yan no? May girlfriend ka na!! Wag ka na!!" Ouch. May girlfriend na pala siya.
"Ulol! Gago! Paano tayo kakain? Ano?! Standing ovation tayo?!" muntik na ko matawa kasi ang kukulit niyo. Pumayag naman na ko kasi kawawa naman kayo. Baka sa kalsada pa kayo kumain ng di oras.

"Miss ano name mo? Tsaka sa UST ka ba nag aaral?"
"Malamang nag aaral yan sa UST."

Nahihiya ako. Hindi ako madaldal. Ayoko sa taong madaldal. Pinagtitinginan yung table natin non kasi ang dadaldal nyo, samahan nyo pa na ang lalaki ng boses nyo.

Sinabi ko yung name ko sa kanila. Kinuha pa nga nila yung number ko. Mukha naman silang mababait, edi go lang.

Ayun. Naging close kaming apat. Nalaman ko na graduated na pala sila. At nagpaplano sila magbusiness. Silang tatlo.

To make a long story short, nalaman ko na break na ang gf ni Jace tsaka sya. After mga 6 months, niligawan niya ko. Wala akong planong sagutin siya pero pursigido siya.

Nang makagraduate ako, doon ko siya sinagot. Napakaswerte ko sa kanya. 20 na ko that time. At siya, 28. 8 years ang gap namin but it doesn't matter.
He's so sweet and caring. Sobra!! Ilang beses ko na rin siyang napaiyak dahil akala nya totoong makikipagbreak ako sa kanya.
Minsan lang sa lalaki yung ganun. Kasi mga lalaki ngayon, matataas pride. Ayaw na ayaw umiiyak.
Legal kami sa family nya pero hindi kay Mommy. Alam kong ayaw nyang magkaboyfriend ako dahil nga takot syang baka masaktan din ako.

Nag one year kami noong April 18. Hindi kami magkasama kasi may dinner party daw sila ng family nya. Naintindihan ko naman.
Nasa mall lang ako buong magdamag when my mom called me. Pinapapunta ako. Excited pa nga eh. May surprise daw kasi sya sakin.

So, umuwi agad ako. Wow. Grabe. Nasurprise ako ng todo!! Swear!! Umiyak ako ng sobra sobra!!

""Anak, magpapakasal na kami. Gusto ko sana makilala mo sya. Sorry kung tinago ko sayo. Wag kang magalit ah?""

My Mom's married now. Simple lang naman ang kasal dahil minadali. Hindi ko alam kung magiging masaya ako para kay Mommy.

Yung tipong kinasal yung Mommy mo sa taong mahal na mahal mo, first love pa!

Simula ng makilala ko sya as my Mom's boyfriend or soon to be husband, hindi na kami nagpansinan.
I changed my number. Nagdeactivate ako ng lahat ng account ko.
Wala kaming official break up.

For you Jace, alam mo kung sino ka. I'm not mad. I'm hurt. Bakit dalawa kami?! Bakit si Mommy pa?
Pero.. I still love you. And I'm thankful kasi after 2 decades, naging masaya si Mommy because of you.

MASAKIT. ALAM NYO YON? I'M A BOOKWORM. AKALA KO SA LIBRO KO LANG MABABASA ITONG GANITO. AKALA KO SA TV LANG!!!

I'm glad na nailabas ko din tong hinanakit ko.
Post it or not, thank you, UST files.

PS. I'm using my Mom's middle name. It's because my Mom's scared na baka ipahanap ako ng tatay ko.

Martir
2008
College of Architecture

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon