So papasok na ako to school mga 8am in the morning kaya pag-akyat ko ng assembly area ng train sa LRT Santolan pumila na ako at napaka-unexpected, nasa harap ng pila yung ex ko. Naging boyfriend ko sya ng 3 years and a month tapos nagbreak kami nung October 2014. I wanted to approach him pero baka maging awkward kami kaya wag na lang. Umupo sya sa gilid ng tren tapos nagkatinginan kami so ngitian ko na at isang tao lang ang pagitan namin sa upuan. So tuloy ang buhay kaya nag-earphones na lang ako at nakinig ng music. Di naman kami nag-usap. Sobrang unexpected talaga na makasabay ko sya sa same time same spot and at the same place.
I thought I was over him... Nung iniwan nya ko I feel like I lost two people in my life. My lover and my bestfriend. Pero sa tuwing nakikita ko sya may kirot pa din sa puso kahit konti. Naaalala ko na magkasabay pa kami noon pumasok. Yung bittersweet feeling na bababa sya ng Legarda at ako naman sa Recto station. Ang hirap sya pakawalan nun pero kailangan dahil papasok ng school eh. In love pa rin ako sa memories na iniwan nya sakin.
Hanggang nakarating na sa Legarda station, sumaktong pinakikinggan ko yung kanta ng Maroon 5 na 'Unkiss Me'
Habang papalayo si ex at pababa ng train, nandun na ako sa chorus ng kanta na may lyrics na:
"Unkiss me,
Untouch me
Untake this heart"And........ It hit me right in the feels. SAKIT 'PRE.
Lady Mapuan
2013
College of Fine Arts and Design
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles