Mahal Din Kita

27.1K 490 47
                                    

PLEASE! HINDI KO NA KASI KAYA!! TULUNGAN NIYO KO 
“Walang iwanan, kasi tropa tayo. Di’ba?”

Una palang tanggap kong walang TAYO. At kailanman hindi magkakaroon. Type mo kasi mga chinita, sexy, maputi, in short yung mga porn star type ganon. (Seryoso!!) Tapos type ko, mga average guy lang. Yung wala akong kaagaw kasi hindi pogi. Sabi mo pa nga pag nagreretouch ako, “Wag ka na mag-ayos. Panget ka parin..” Ni hindi ko nga inaasahang magiging magkaibigan tayo. Hindi ko rin inaasahan na ituturing kitang isa sa pinakamalupet kong kaibigan. 
Naalala ko pa non, naging friends tayo kasi ako ginagawa mong National Bookstore. Hingi papel, hiram ballpen. Kahit kindat mo lang nun, alam kong hihiram ka ng ballpen. Gusto mo pa GTEC. Hayop! Hahaha, pero seryoso. Tapos inaya mo kong maglunch, Libre mo kasi sabi mo “Naubos ko na yellow pad mo eh..” Simula nung niyaya mo ko, nag-iba lahat. Nagsheshare ka na sakin. Sinabi mo na saking may nililigawan ka. Nagtatanong ka ng tips pa’no mo sya mapapasagot. Tapos yung nanliligaw sakin, sabi mo “Hanap ka iba!” Kasi sabi mo mukhang magpapalibre lang sakin ng sine. Galit na galit ka nga sakin nun e. Kasi sabi mo, “Binabantayan kita! Tapos ikaw pamigay! Ano ba!!” Tinuring kitang parang KUYA. Kasi ganun ka umasta. Parang big bro ganyan. Daig mo pa nga tatay ko eh. 
Naalala mo nung naging kami ni M? Nagtampo ka kasi di ko sinabi sayo. Sorry, ayoko kasing pakelaman mo pa mga desisyon ko sa buhay. Oo na, selfish na. Nagmarunong ako non oo na! Tapos ginanti mo, naging kayo ni J nang hindi mo sinasabi sakin. Wala kong karapatang magtampo nun. Quits na eh. Gabi gabi nun nag uusap parin tayo ng mga bagay bagay tungkol sa lovelife natin. Kapag nag-aaway kami. Kapag nag-aaway kayo. Nakikinig tayo sa isa’t isa. Tapos bigla kayong nagbreak. Humagulgol ka sa phone. Hindi ko alam gagawin ko. Nagpakalasing ka. Kaya sumugod(sumugod talaga ko. Bwisit na guard yan.) ako sa condo mo. Sobrang dami mo ininom. Iyak ka ng iyak. Hindi ko alam kung naalala mo pa yung sinabi mo sakin nun o kung totoo man yun. Sabi mo MAHAL NA MAHAL MO AKO. BAKIT HINDI KO MARAMDAMAN. Naconfuse ako friend, may jowa ako non. 
Umalis ako nung nasigurado kong tulog ka na. Nag-iwan ako ng note na “Lasing na lasing ka. Natatakot ako. ” Tapos nagtext ka ng, “Anong pangiiwan to, pakiexplain?” kinabukasan.
Paul, Sorry kung bigla akong nawala sa buhay mo. Sorry kung hindi ko natupad yung sinabi kong “Walang iwanan kasi tropa tayo.” Sorry kung hindi ko sinasagot tawag mo. Sorry kung dinadaanan lang kita sa hallway. Sorry kung nagbago ako. Sorry dahil manhid ako. At yung note ko, hindi ako natatakot na lasing ka. Natatakot ako sa nararamdaman mo. Natatakot ako kasi mahal ko rin yung boyfriend ko nun. Alam nating dalawa yung feeling ng pinagpapalit at iniwanan. Alam mo ring ayaw kong gawin yon. 
Sorry sweetcheeks, babycakes, bestfruuun Hindi ako nakinig sayo. Oo na, tama ka nga. Wala na kami ni M, naghanap na ng ibang chiks. Nagsawa sa luto ko. Wala akong mapagkwentuhan. Kasi gusto ko ikaw unang makaalam. Pero binlock mo ko sa accounts mo. Saka, nagchange ka ba ng number? Bakit nasa bilyaran ka daw lagi? Pinayayaman mo daw viewpoint at Tapsi ah. Wag ganon, bro. Sorry na oh. 
Gusto ko lang malaman mo, miss na miss na miss na kita. Kung hindi mo na ko ulit matatanggap bilang berrypie, humpydumps, bestfruuun mo... Kahit hingian mo nalang ako papel. Kahit iyo na buong pad. Kahit kindatan mo lang ako, ikaw na papagamitin ko ng frixion ko. Maging friends lang tayo ulit. Hindi ko na kayang daanan ka sa hallway. Hindi ko na kaya. Mahal din kasi kita, Paul. Yan, naexplain ko na. Labyu

Babycakes 
1611 
College of Commerce and Business Administration

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon