Sundalo

9.3K 125 3
                                    

"Let's break up," ang sabi niya. "Kung tayo talaga, magiging tayo pa rin."

Habang ninanamnam ko ang bawat salitang binabanggit niya, hindi ako makagalaw. Hindi ako makapagsalita. Wala. Para akong binuhusan ng nagyeyelo at kumukulong tubig nang sabay.

Tiningnan ko siya habang naglalakad palayo. Ni hindi man lamang siya tumingin pabalik sa direksyon ko.

______________________________

Ngayon, alam kong masaya na siya sa panibago niyang papel sa lipunan.

Pero minsan napapaisip ako, "Naaalala niya pa kaya ako?"

Sa bawat hawak niya sa malamig at walang buhay na baril, naaalala kaya niya ang maiinit kong palad?

Sa bawat pawis na pumapatak sa katawan niya tuwing may training silang ginagawa, naiisip kaya niya ang libo-libong patak ng luha na iniyak ko para sa kanya?

Sa bawat sigaw niya ng "Yes, sir!" sa kalawakan ng training grounds, naririnig kaya niya ang mga impit kong hikbi sa kuwarto?

Naaalala ko 'yung paborito naming kanta dati--ang pinakaunang kantang ni-record naming dalawa--"Need You Now" ng Lady Antebellum. Ang sabi niya sa 'kin, hinding-hindi niya 'ko makakalimutan dahil sa kantang 'yun.

Sana.

Sana.

Mia Seo
2013
Faculty of Arts and Letters

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon