Relationshit goals
This rules may not apply to you, hindi niyo kami mapipiglan-wala kayong pake. Hahaha!
1. Wag masyadong clingy.
Pagsobrang clingy ka, mansasawa sayo yan. Hindi lang ikaw, may pamilya yan. Hindi pa nga kayo mag-asawa ganyan na. Hindi lang naman ikaw ang tao. Wag mong bakuran lalo na't hindi pa kayo. Bakuran mo pag asawa mo na ah.
2. Hold things loosely; if the time comes, you can move on very fast.
Pag nagmahal ka ng sobra, asahan mo ang sobrang sakit na mararamdaman mo. Kung alam mong hindi kayo sa isa't isa, chill lang, may taong nakalaan sayo. Try mong itali ung tig isang daliri mo sa tali at hilhin mo diba masakit? Mawawala ang sakit pag napigtas ang tali.
3. Learn to appreciate the most little things.
Kung ikaw ay naghihintay ng text at nagtext yan sayo kahit may ginagawa yan, matuwa ka at binigyan ka ng pansin. Kung hindi mo napapansin ang mga ginagawa niyan sayo, aba antaas naman ng standards mo.
4. Respect
Alam mo na yan. Wag kang tanga. Itrato mo ng may galang yan. (Magsabi ng PO at OPO. Haha!)
5. Family is Family
Wag kang makipagkompetensya sa pamilya niyan. Masisiraan ka pa eh. Wag mong agawan ng oras ang pamilya nya sayo. Sabi ko nga hindi lang kayo ang tao. Hintayin mo magkapamilya kayo (kung magiging kayo)
6. Pag sobrang hinala,
Kulang ang tiwala, siya ay mawawala.Trust is like a mirror, you can fix it when its broke but you can see that crack in that motherfvckers reflection.
-telephone/lady gaga ft. Beyonce.Kung gusto mo mag imbestiga ka pero wag ka papahuli. Learn to accept mistakes and change it. That makes you a better person, pinagaaralan yan. So better wag kang magluko or else. Wag ka rin maghinala masyado, masasakal yan.
7. Hindi pinalalaki ang maliit na problema. Pinalalagpas lang yan.
Ano bang trip yan? Kaliit liit na problema palalakihin. Yun tipong ibabalik mo ung dating away niyo. Dyan madalas napupunta ang mga relationships na paulit-ulit lang. Away- bati, ano ba gusto niyo? Love or hate? Kaya ka naghanap ng partner para mahalin hindi para awayin.
8. DONT EXPECT. DONT UMASA.
wag umasa masasaktan ka lang. Ilugar mo sarili mo. Pag hindi narating expectations mo its either malulungkot ka o magagalit ka. Ganun din sa standards, pag-aralan mo kung sino ang ikakasama mo hanggang sa huli.
9. You reap what you sow.
Kung naging mabuti ka, mabuti din ang babalik. Kung masama ka, masama din ang babalik. Kaya handle your relationship seriously and carefully. Babalik yan sayo.
10. Ilugar ang tampo-galit-regla-lahat na.
Alam mo wala naman powers ang tao magbasa ng isip. Wag mong gawin galit ang tampo, wag mong gawing tampo ang lambing. May bipolar ka dre? Magagalit ka kasi inaway tapos iiyak naman pag iiwan? Hahaha!
Bat ung iba nagagalit pag may regla ung iba hindi? Kailangan ba talaga magalit dahil sa sakit? May nagagalit ba ng may sakit? Hahaha! Kabaliwan lang yan. Sanayin nyong good mood ka kasi nadadamay lang ang relasyon nyo. Nasisira.
Yun lang sana may natutunan kayo.
KARL11
2018
CTHM
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles