Katipunan-Espanya lovers

8.9K 205 6
                                    

Hi guys. You can call me "Rach" na lang. I'm not from UST talaga, I'm from ADMU. Then yung boyfriend ko taga-UST, he's Gab. (Not our real name)

I just want to share our lovestory. Nagkakilala kami sa Starbucks sa may P.Noval. Kasi sinundo ng friend ko yung brother naman nya sa UST highschool. So ayun, nung umo-order na ko, napansin ko syang nakatingin sakin. I found it weird nung una, pero di ko na lang pinansin. Kasi baka nga ganun lang sila mantrip. So bumalik ako sa table namin ng friend ko and nung nilalagay ko na yung straw sa frappe ko bigla syang dumulas sa kamay ko and ang malas kasi tumapon sya sa pants at half ng shirt ko. Nagexcuse muna ako dun sa friend ko at sa brother nya. Pumunta ko sa may sink at pinunasan ng tissue yung damit ko. Then may nakita akong nagabot sakin ng panyo. When I looked up, nakita ko yung guy na kanina pa nakatingin sakin. Gosh! ang tangkad pala talaga nya, tapos mas pogi pa sya sa malapitan. Binigay nya sakin yung panyo at ngumiti na tsaka sya umalis. After nun, ayun naging mag friends kami. Di ko rin alam kung paano pero natuwa ako kasi kahit malayo yung school namin sa isa't isa, nasusundo or nasasamahan nya akong magreview sa coffee shop.

Tapos tinanong nya ko kung pwede daw ba syang manligaw, syempre at first natakot ako kasi baka mahirapan din kami kasi malayo nga school namin sa isa't isa. Espanya-Katipunan. Pero wala din namang nawawala kung ittry din namin. Kaya pumayag na din ako. Since sobrang bait naman nya, and close na din sya sa family ko, boto na rin sina mommy kaya um-oo na ko.

Isang gabi, nagtweet ako na, I'm craving for pizza and lasagna. Then after 10 minutes biglang may nagdoorbell sa room ko. Nagtaka ako kasi di pa naman ako nagpapalaundry or what. Pagbukas ko ng pinto, I saw a delivery guy na may hawak na pizza and yung signing something dun.

Delivery guy: Are you Ms. Rach ******? Here's your order mam.
Me: Ay kuya, di po ako nagorder nyan. Baka mali po kayo ng deliver.
Delivery guy: No ma'am it's for you. From Gab *****.

Then I smiled, kasi nabasa nya yung tweet ko and nagpadeliver pa sya.

Then one time, sobrang spontaneous ng call nya. It's already 6:00am. And gising na talaga ako di pa lang ako bumabangon since 10:00am pa naman class ko.

Non-verbatim:

Gab: Hey Rach. I'm here outside your dorm. Can you please open your door?
Me: Ha? It's already 6:00am, Gab. Bakit naman masyadong spontaneous to?
Gab: Basta. Open your door.

Binaba ko na yung call and binuksan ko na yung door ko. Pero wala naman sya dun. Uggh. Nantrip na naman ata. Pabalik na sana ako ng bigla syang magtext sakin.

From: Gab
Where do you think you're going? I'm here sa may hallway ng floor nyo.

Dumiretso naman ako agad sa hallway ng floor namin. I saw a group of guys na nandun tapos nakatalikod silang lahat. Tapos isa isa silang humarap at binuksan yung box ng pizza. Sa loob ng bawat box may nakalagay na,
"WILL"
"YOU"
"BE"
"MY"
"GRILFRIEND?"

Then I saw him with a simple black short, three-fourths na polo and black vans. Tapos may hawak syang heart-shaped balloon at I guess it's a pancake from Mcdo.

Sa sobrang gulat ko, napaiyak na lang ako at nilapitan nya ko. And I said, YES. Niyakap nya naman ako.

And guess what? 3 years na kami. Kahit malayo school namin we still manage to have our private time together. Pag sunday, nagma-mass kami with our family.  Sana kami na talaga ang para sa isa't isa.

I LOVE YOU GAB kiss emoticon

Pizza gurlll 
2011 
College of Science (from ADMU)

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon