Nung summer, may nakachat akong isang foreigner. He's an US Navy. Pinakilala sya ng friend ko. At first, ayoko ng foriegner tlga at alam kong walang pupuntahan to. Palaging kaming magchat, umaga hanggang gabi. Sa Japan lang kse sila baka base kaya medyo same yung oras. And then last last month nagpunta sya dito. So ako yung sumundo sknya sa airport kse ako daw yung unang gusto nyang makita dito. First day nya dito, sobrang saya nmin. Sobrang sweet nya, sobrang mafifeel mo You're most beautiful girl in the world pag sya yung kasama mo. And then one day, away kami. I lost him. Sinabi nya sakin na he doesn't like me anymore. Na nasaktan daw sya kase sobra syang nagexpect sakin. He thought na ako na daw yung right girl para saknya. Mataas yung expectation nya sakin at hindi ko nareach yun. I told him to give me another chance and I will try to fix everything. And he said no, kse ayaw nya mapaglaruan yung feelings ko. That day naging miserable yung buhay ko. Ayoko pumasok, gusto ko nakahiga lang ako, iyak ng iyak, gusto ko maglasing kse baka sakaling kausapin nya ako. But my friends told me tumigil na ako, wag kong ibaba masyado yung sarili ko dahil sknya. And my friends was right. That was not yet the end of my world because I lost him.
After two days, I was trying to be okay. To be happy. And then I checked my phone, there's a message from him. Sabi nya napanaginipan nya daw ako,di daw nya alam kung bakit siguro kse namimiss nya ako. Bullshit ayoko nnman umasa dahil lang sa message na yun. Sabi ko lang sknya he's crazy. And then the other next day, nagulat nalang ako kase pag gising ko ang dami nyang message sakin. Sabi nya miss n nya ako. And there's a long message from him, he said sorry for everything, gusto nya ulit ako mkita, sya nman yung humihingi ng chance and he said he doesn't want to give me up so easily. I told him di nya alam kung gaano ako nasaktan. Nasaktan ako kse mas pinili nyang sumama s ibang babae at iwan ako. And oo, may kasama syang ibang babe nung time na iniwan nya ako.
Pero syempre tanga ako, binigyan ko sya ng chance. Gusto daw nya maspend yung last whole week nya here in the Philippines with me. Madaming kaming ginawa, madaming kming pinuntahan. Sinulit nmin yung one week na magkasama kami. Everytime na may pupuntahan kmi palagi nyang tinatanong kung masaya daw ba ako, kase para sakin daw yun at gusto daw nya ako maging masaya. Lalo sya naging sweet sakin. And that time dun ko narealize na I want to spend the rest of my life with him. He is the reason of my heartaches and happiness.
Last day na nya, hinatid ko sya sa airport. Yung feeling na please pakibagalan nung oras. Gustong gusto ko syang ihug sa buong biyahe nmin papuntang airport. Pero di ko nagawa yun. Natakot ako na baka maiyak ako. Haha. Siguro 2hours kmi nagstay muna sa labas. Sinusulit ko n yung bawat oras, minuto, segundo na mkita, mkasama at mhawakan sya. But still di ko pdin sya kayang yakapin. And then pumila na sya para pumasok, nasa tabi pdin nya ako. And then dun bigla na nya akong niyakap and we kissed. Nung malayo na sya sakin dun ko na di npigilan ang pagbuhos ng aking mga luha.
Yung mga unang araw na wala na sya. Sobrang nakakapanibago. Nasanay ako sa tuwing pag gising at pag tulog sya yung makikita mo. Sya yung kasama mo everyday. Sya yung kasabay mong kumain. Sobrang iba. Parang palaging may kulang. After his work, tumatawag nman sya palagi. Pero ngayon mhirap yung communication nmin. Deployment nila, 4months na nasa dagat sila so walang signal. Minsan magchachat sya tapos di ko pa maaabutan. 1month na kaming di maayos yung pag uusap. And straight 1 week syang walang paramdam sakin.
Palagi kong sinasabi sa sarili ko na 4 months lang yan kaya kong maghintay pero di ko alam kse kung may hinihintay pa ba ako o wala. Di ko alam kung hanggang kelan ako maghihintay? Naghihintay ako sa taong di naman sigurado sakin/samin. Ang mahirap kse hindi naman kami. We're not officially together. Gusto kong lumaban. Gusto ko syang ipaglaban. Pero di ko alam kung hanggang kelan, hanggang saan yung kaya ko. Mas okay yung masaktan ako ng lumalaban kesa masaktan ako ng wala akong ginagawa. Kahit na di ko alam if this battle is worth fighting for. Alam ko naman din kase na kahit anong laban ko, in the end talo pdin ako. But alam ko sa sarili ko na ready ako. Ready akong masaktan, ready ako kung bigla nlang sya umayaw at ready ako kung di man nya ako piliin. At first, alam ko naman na walang patutunguhan, na alam ko ako lang masasaktan sa huli. Pero pinagpatuloy ko, masokista kse ako. Hahahaha. Sobrang miss na miss na kita. frown emoticon
Girl Fighter
2017
DDM
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles