Si popoy at si basya, si angelica at jm, si papa Piolo at toni movies nila yung pinaka tumatak sa puso ko at for sure maging sa ibang tao. Mahilig ako mangarap dati na pag nahanap ko na yung ""the One" ko eh di ko na siya pakakawalan. Sabi nga sa movie ng that thing called tadhana, kung mahal mo ipaglalaban mo di mo lang iaasa sa hangin o sa tadhana. Sabi ko pa nun sa sarili ko na mamahalin ko ng buong buo at tatanggapin ko ang pagkatao ng taong mamahalin ko. Nbsb ako noon kaya para sa pananaw ko kapag nag boyfriend ako eh siya na yung lalaking papakasalan ko. Pero yan ang thinking ko noong di ko pa siya nakilala.
First year college nakilala ko tong guitar major nato. Tinugtog nya yung forevermore na theme song ng mom and dad ko kaya na pa wow ako sakanya. Mukha siyang douchebag sa mata ko dati pero nung nakilala ko siya matalino, magalang at napakamabait pla nya. Nagkagusto ako sknya at siya din sakin. Sinagot ko siya sa quadri habang umuulan kase para mla movie ang dating? Ewan haha. Oo masya kami, responsible kmi sa studies, very open namin sa isat isa, legal kmi both sides, parang ang perfect na ng lahat kase palaging msaya.
But one day, narealize ko there's something wrong hindi ko na alam kung sa sarili ko lang ba ito o sa relationship na namin. Nagsasawa na ako, napapagod parang routine nalang ang lahat. Classmate ko siya sa lahat halos ngsubject ko. Kasama ko siya sa school at sa bahay. Unti unti ko nalang naramdaman na gusto ko na huminga. I snapped. During the past months mejo maiinitin na ulo ko saknya. Selfish na decision makings ko. Lagi ko na siya nasasaktan. Lagi ko nlang malalaman na iniiyakan na nanaman niya ako. Ako naman eh speechless di ko na alm na ngagawa ko na pla yung mga bagay nayun sa knya. Nilalamon na ako ng konsensya ko pero di ko alm kung bakit ba ako nagkakaganito. Umabot sa point nagusto ko na magexplore magisa at di na siya ang kasama ko.
Last week nasa baguio ako. Bago yung concert namin gumala muna ako magisa sa session road. May nakita akong dreamcatcher na sobrang unique at sobrang gnda nya pra sakin. Last design na daw yun sabi nung ale. Gusto ko ng bilhin pero di ko pla dala yung pera ko dahil di ko nmaan inexpect makita yun. Sabi ko sa sarili ko babalikan ko yan mamaya. After the concert binalikan ko dala yung perang inutang ko sa kasama ko. 30 mins na akong umiikot wala padin. Wala di ko nakitayung dreamcatcher na yun. Sobrang naiinis ako at nanghihinyang dahil di kona mabibili yun. The next day napadaan ulit kami sa session road at bigla kong nakita yung dreamcatcher na yun out of nowhere kaso wala nanaman akong pera. So tinitigan ko nalang siya knowing na di ko na siya mabibili. Bigla inabutan ako ng pera ng kasama ko at sabi niya " Sige na bilhin mo na yang dreamcatcher na yan kawawa ka naman kagabi mo pa iniiyak yan eh"" at the end sobrang saya ko dahil nabili ko na siya.
Pagbalik ko ng baguio humingi ako ng breakup sa boyfriend ko dahil sawa na ako. Pero sobrang umiyak siya. Tinannung ko sarili ko kung mahal koba tlga siya o infatuated lang ako sa knya nung sinagot ko siya. Hindi ko alam kung mahal ko ba tlga siya o minahal ko siya. Pero habang umiiyak siya at sinasabi sakin na gagawin nya lahat ng bagay para maayos lng lahat ng mga naging mali namin bigla ko naalala yung dreamcatcher na nakita ko sa session road. Minsan lang ako makakakita ng napaka gandang dreamcatcher papakawalan ko pa ba? Oo wala man akong sapat na pera para makuha yun pero handa ako gawin lahat para makuha yun. Lahat kase ng magagandang bagay sa buhay ay may presyong binabayaran at paghihirapan. Wala namang relationship na di dumaan sa pagsubok. Hindi ko man kayang pantayan o tumbasan ang pagmamahal mo sakin ngayon pero please wait for me and I promise by that time na ok na ako it will all be worth it. "To love and to access its full experience we must pay the price we think its amount deserves."
Bee alam mo na kung anung sagot ko sa tanung mo kung mahal kita. Sorry ngayon ko lang nasigurado sa sarili ko yun. Lets stay strong and awesome! Hehe i love you so much to infinity and beyond.
Baby girl
2012
Conservatory of Music
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles