Shoplifter I

4.2K 59 1
                                    

I was a shoplifter

I was a shoplifter when I started my year in ust. Yes I was envious. Yes I was tempted. Yes I was materialistic.
So here's my story. Isa akong estudyante na galing public school, ikinahiya ko yun dahil mga blockmates ko galing sa mga kilalang school here in Metro Manila. Dahil dun napilitan akong magsinungaling at sabihing galing akong private school. First day of school lahat sila naka iPhone o Android. Hiyang hiya ako sa phone ko, kaya pinilit ko nanay ko bumili ng iPhone kahit second hand lang alam kong hirap na hirap humanap ng pera mga magulang ko pero pinilit ko yun dahil sa kainggitan at kasakiman ko. Pero dahil sa pagiging inggitero ko lumala ako. Sinapian ako ng kasamaan. Dumating sa point na may gala mga ka block ko kaya nangungupit ako, there was a time na nakita ko mga porma nila. So mas lumala ako dun ako nagsimula mag shoplift. Halos ilang beses akong nakaligtas di mahagip ng cctv. Maniwala kayo o hindi isang buong sem ko patuloy na ginawa ito. Paisa isang damit kada mapadaan lang ako sa mall. Nakpagpuslit na rin ako ng sapatos, bag at pants, bawat shoplift na yun nagawa ko sa loob ng fitting Room. Hanggang sa dumating ang point na pinapanood na lang pala ako ng mga guards sa cctv, sinusundan na lang ako ng civilian guards. Ito yung araw na hinding hindi ko malilimutan November 28,2014 Friday ito yung araw na nahuli ako. Katapusan na ng kagaguhan ko. Grabe iyak ako ng iyak sa office ng SM pinagtitinginan ako ng mga saleslady pinag uusapan na magnanakaw hanggang sa dinala ako sa presinto di ko alam pano tatawagan pamilya ko. Gulung gulo ako gumuguho mundo ko ng mga oras na to. hanggang sa tinawagan ng chief ang mga magulang ko. Dumating mga magulang ko awang awa bigla akong niyakap ng nanay ko, tinanong ako san sya nagkulang bakit ko nagawa yung mga bagay na paulit ulit nyang pinapaala wag kong gawin. Dun bumuhos ang luha ko. Halos mahimatay nanay ko. Maraming ginawang record sakin binlotter ako. Pero dahil menor de edad ako di pa daw ako pwedeng Ikulong kaya dapat daw dswd ang hahawak sakin. Pero dahil Friday na at gabi na wala na daw ang office ng dswd. Kaya pinauwi muna ako sa bahay and sa Monday bumalik. Syempre di ako nakatulog ng maayos iyak ako ng iyak dinadamayan ako ng pamilya ko. Nagdasal ako di ako tumigil sa pagtawag sa Diyos kahit paulit ulit lang dasal ko. Ayun yung dasal na talagang sincere grabe. Nawalan ako ng gana kumain, Gulung gulo ako gusto kong magpakamatay dahil alam kong makukulong ako kasabay na rin nito ang pagtigil at pagkawala ng pangarap ko na magpatuloy ng pag aaral sa ust na pinangarap ng pamilya ko at pinangarap ko. Di ko na rin pala mararanasan makapag trabaho sa isang kumpanya dahil may record na ako sa nbi. Magiging palamunin na lang ako ng pamilya na nakatambay lang sa bahay dahil sa kahihiyan. IpinagpasaDiyos Ko na lang ang lahat. Dumating ang Monday araw na kung saan kukunin na ako ng dswd. Handa na ako alam ko na ang kahaharapin ko sa loob ng Boys town tagalinis ng CR tagawalis at syempre di mawawala ang mabugbug sa loob. Pero bago ako kunin nagmakaawa pala ang nanay ko sa store manager kasama ang buong pamilya ko. Hindi lingid sa kaalaman ko na ang store manager na yun ang syang nagbigay ng Scholarship sa ate ko na nakapagtapos ng summa, malaki pala ang utang na loob ng pamilya ko sa store manager, na daan sa pakiusapan at awa. Dahil dun di na ako makukulong, dahil dun makakapag aral pa ako dahil dun makakapag trabaho pa ako. Maraming salamat sa Diyos na humipo sa puso ng store manager. Malaki ang utang na loob ko sa store manager dahil sa kanya nawala ang kaso ko. Dun ko na realize na kinatok lang pala ako ng Diyos, parang one way of telling me na yan ang mararanasan mo if di ka tumino. Then sobrang nagbalik loob ako sa Diyos. Every after dismissal Depeche agad sa ust chapel para mag thank you kay God kahit maikli lang. God's good all the time. Di ka nya hahayaang mag suffer, kakatokin nya lang ang puso mo para magbago. Gusto ko lang sabihin din na maging kuntento tayo kasi di na tae mga magulang natin ng pera. Alam kong gusto natin maging cool just by pagiging maporma and bringing expensive gadgets and treating your blockmates pero the fact na dependent ka pa rin sa magulang mo dapat I value natin yung pera kasi pinahirapan nila yun. Put yourself in their position na overtime ng overtime sa trabaho for the sake na may maibigay sayo tapos ikaw daling dali sa paggastos. Isipin nyo na lang yung pera na yan pinahirapan ng magulang ko kaya dapat paghirapan ko din ang pag aaral para may maisukli ako sa kanila. Ayun lang. Magbalik loob tayong lahat sa Diyos ay mag repent.

Changed.
2015
College of Fine Arts and Design

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon