Hi I'm a transferee sa UST and share ko lang nangyari sa pagtransfer ko...
Nung summer of 2014 busy ako sa transfer papers for UST usually hinahatid and sinusundo ako ng tita ko para di ako mawala.. Galing akong Mindanao so ibig sabihin bisaya and english talaga fluent ako if filipino medyo slan... Kahit ilang beses na ako sa manila naka service kami palagi #parichkid
Pero that time gusto niya akong turuan maglakad magisa kasi magdodorm naman daw ako and hindi palagi andiyan sila...
Nung from parañaque to edsa pasay lrt ok pa kasi madali lang ang jeep one ride... Pero medyo nawala ako nung pagbaba ko hinahanap Ko kasi ang edsa pasay lrt 1 kasi anlayo na ng narating ko...
So nagtanong ako sa isang lola na medyo... Joke sobrang matanda na
Non verbatim:
Ako: Lola saan po yung edsa lrt 1 papuntang ust? (Pinakita listahan ng dapat kong sakyan na sinulat ng tita ko)
LOla: *andaming sinabi ambilis magsalita ang gulo pa....*
Ako: sandali lang po nalilibugan na po ako...
Lola: *sampal* ANG BASTOS KANG BATA KA ANG TANDA KO NA ... BLABLABLA
Ako: bat niyo po ako sinampal... Nagtanong lang naman
Lola: bat moko sinabihan na nalilibugan ka?!
Basta diko alam na ang libog pala sa tagalog is horny kasi sa bisaya confused ka eh... Language barrier with impact nangyari... Tinawanan lang ako ng tita ko... So mga fellow bisaya ko ingat po tayo sa sinasabi natin kasi masaktan ka lang...
Xian Lim
2016
College of Science
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles