My Forever Regret

9.7K 211 12
                                    

May naging girlfriend ako for 2 years. Chick, sikat, matalino, athletic. Siya yung unang babaeng sineryoso ko. Sweet siya pero under ako. Ang daming bawal. Bawal makipagusap sa ibang babae, bawal lumabas kasama mga kaibigan, gusto niya lagi lang kami magkasama, bawal maglike ng pictures ng ibang babae, mga ganun. Pero okay lang sakin. Mahal ko e. Hanggang sa siya ang nang-iwan. Hinabol habol ko siya todo effort. Akala ko magiging okay na, magiging sakin na siya ulit, yun pala pinaasa lang ako.

1 year na kaming break nung ex ko nang may bago akong nakilala nang magcollege na ako. Sobrang daming nagkakagusto sa kanya. Napakaganda naman kasi, mabait pa, simple lang, hindi party girl, lahat na. Ang tagal ko siyang inistalk sa Facebook, inaantay kung kailan mauubusan ng manliligaw, walang pumasa. Ano naman pag-asa ko? Since magkablock kami at nagkaron ng konting usap. Naglakas loob ako na manligaw sa kanya. Sobrang hard-to-get. First time ko makaencounter ng babaeng ganun. Buwan na kami nagkakatext, madalas one-word replies. Tinatawanan lang mga banat ko. Halos mawalan ako ng pag-asa! Pero hindi ako sumuko, at finally, naging kami.

Ang sarap pala talaga sa feeling makakuha ng isang bagay na pinaghirapan mo. Tama si Bob Marley, if she's amazing, she won't be easy. Sobrang minahal ko siya, at sobrang minahal din niya ko. Hindi ako perfect, minsan nagkakamali rin ako at nasasaktan siya pero pinapatawad niya ko agad, kahit may nakikita siyang kausap ko na ibang babae, nginingitian lang niya dahil malaki naman raw ang tiwala niya sakin. Siya pa ang gumagawa ng effort para sakin. Minsan siya ang susundo sakin mula sa klase, pupunta sa bahay pag may sakit ako, isusuprise ako pag birthday ko. Perfect girlfriend. Wala na ko mahiling pa.

1 year na mahigit na kami and everything was going smoothly. Until, bumalik ang ex ko. Niloko siya ng naging boyfriend niya. Sobrang nagsisisi raw siya na iniwan pa niya ko. Madalas kami nagkakausap. Nung una, sinasabi ko pa sa girlfriend ko, nalulungkot siya pero hindi nagagalit sakin. Natatakot lang daw siya na baka bumalik ang feelings ko para sa ex ko. Sinubukan kong iwasan, pero naaawa rin ako sa ex ko dahil wala raw siya ibang mapuntahan at umiiyak siya lagi.

Nangyari na nga ang kinakatakutan ng girlfriend ko. Unti-unting bumalik ang feelings ko para sa ex ko na first love ko. Sobrang nahihirapan na ko. At unfair din para sa girlfriend ko kaya nagtapat na ako sa kanya. Inexpect na rin daw niya. The worst part, hindi siya nagalit sakin. Instead, she wished the best for us. Na sana maging masaya raw ako at hindi raw siya mawawala. Andyan pa rin daw siya pag kailangan ko siya. Isang text or chat lang daw. After that school year, lumipat siya ng school.

Naging kami ulit ng ex ko. Okay nung umpisa. Hanggang sa bumalik sa dati. Para na naman akong nasa military school. Under na under ako. Tapos siya, namimigay ng number niya sa ibang lalaki at umiinom, nagpaparty ng hindi ko alam. Nakarma ako sa ginawa ko. It felt worse for me now than it was the first time, iba na kasi ang nakasanayan ko.

Nagkakausap pa rin kami ng pangalawa kong ex paminsan-minsan takas lang. Kamustahan lang. Never niya kong fnlirt or winish na bumalik sa kanya. Kinakamusta niya kami ng ex kong girlfriend ko ulit ngayon, sinasabi kong okay lang at masaya naman dahil hiyang-hiya ako sa ginawa ko sa kanya. Hindi ako pinapatahimik ng konsensiya ko na nagawa ko pang saktan ang ganung klaseng babae.

Ang sakit-sakit. I had the perfect girl, someone every guy would die to have. Pero pinakawalan ko pa siya. Hindi ko lang masabi every time na magkausap kami na, sana hindi ko na siya iniwan. Sana siya na lang ulit. Gusto ko siyang balikan, but a guy like me doesn't deserve a girl like her. She's too amazing, too beautiful, too pure.

Baby, I'm so sorry. Miss na miss na kita. Sana ikaw na lang ulit. Sana tayo na lang ulit. Bakit pa kita pinakawalan?

-OneMoreChance
2012
College of Architecture

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon