1. Akala ko talaga pag college ka, ikaw pipili ng section and sched mo. Yun pala pag UST, Block section.
2. Akala ko pag college, wala na ang mga "Sipsip/Teacher's Pet" Katulad nung highschool, Yun pala meron =)) Maka dikit sa prof yung iba kala mo super close. Gusto lang tumaas grade
3. Akala ko patas ang pag grade sa college. JUSME di din pala. Ako nag kanda hirap hirap ako sa isang subject ko, bagsak pala ako. Kasi yung prof na yun SIKAT na nang babagsak sa college namin. Alam ko, ginawa ko naman ang lahat sa subject niya, Wala pa din... First ever singko.
4. Akala ko mature ang mga taong makikilala ko sa college, Di pala. Punyetang mga childish na ibang ka block ko napaka sensitive, atat sa lovelife, pag nabanggit lang ang sex topic kala mo kamanyakan agad. HUY di ka na highschool
5. Akala ko walang masyadong Over competitive, yun pala meron este MARAMI, May ka block ako, Dalawa sila. Nagkaka inisan sila kasi parehas na magaling. Yung isa sa acads, yung isa sa plate (Mamaw mag watercolor) Jusko parehas na parehas sila ng ugali. Laging nag kakainisan pag mataas yung isa sa exam, At pag mataas naman yung isa sa plate.
6. Akala ko maraming ""Down-to-earth"" peeps dito, yun pala MARAMING HAMBOG. Meron din akong ka block, Social climber.. lahat nalang ng pabango niya pinagyayabang niya pati BRAND (Actually, di lang yung perfume niya eh.. BUONG GAMIT sinasabi brand at presyo. Tsktsk) Kulang nalang din pati tatak ng panty sabihin sa mga classmate ko eh . Di naman namin tinatanong :))
7. Akala ko ang mga professors, "FAIR" mag grade, Di naman pala. May prof talaga na "Nang huhula ng Grades" Pag fave niya syempre, 1.75 up na grade niyan, Pag di ka feel, 2.5 to 3.0 na yan. May prof din na di na nga uma-attend ng klase, ANG BABA pa din mag bigay ng grade. Kaya pag di na din ako nag eexpect sa ibang prof na makakuha ako ng 1.75 up kahit nag effort na ko eh. Di mo mabasa isip ng mga yun.
8. Akala ko, marami kang magiging matitinong kaibigan, yun pala hindi. Pag may nakita sayo na kinaka ayawan nila, Lalayuan ka nalang basta-basta. Daming backstabbers :))
Marami pa di lang yan, Kaso baka ma pagod na kayo sa kaka scroll at sa ka ka dramahan ko :)) Joke. Nakaka inis lang kasi. Kaya nakikibagay nalang ako sa mga tao dito para maka survive sa college eh. Nakaka dismaya talaga yung mga expectations ko sa College life. Full of fake people din talaga, simulan mo sa prof at mga kaklase mo. Hayyy. Basta, Mga kapwa estudyante, Mag aral nalang kayo mabuti at Maki-bagay sa mga tao jan sa block niyo. Kaysa naman maging loner ka pag graduate mo, mahirap din kasi. Para naman sa mga incoming Freshies, wag mag expect masyado ah? Maging mapili din sa sasamahan niyo baka first week pa lang sinisiraan na kayo xD
Leslie
2012
College of Fine Arts and Design
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles