Goliath

4.8K 106 6
                                    


It's a typical Thursday for me. Hindi naman kasi ako mahilig mag 'Happy T' unlike my dorm mates. Mag-isa akong nagrereview ng notes sa Starbucks sa P. Noval nung gabing yun eh. Medyo unlikely din kasi hindi gaano matao sa Starbucks nun. May biglang tumapik sakin.

Non-Verbatim:

Guy: Uhmm, miss you dropped your hanky. 

Ako: Ahh-ah tha-n-k yo-u. 

Guy: No problem.

Oh my gulay! Ang pogi nung guy. Hindi siya taga USTe kasi nakita ko yung lanyard ng ID niya, he's from La Salle. Lumabas na siya ng Starbucks at sumakay sa kotse niya. Hindi ako magaling sa mga kotse pero mukhang mamahalin yung kotse niya. Ako naman tong si gaga kinilig, no love life kasi ako kaya wattpad lang at forevermore ang nagpapakilig sakin. Umasa ako na malay niyo sparks na pala yun. Tinawagan ako ng isa kong ka-block, nagaayang kumain sa Army Navy. So pumayag ako. Kinabahan ako bigla nung nakita ko si kuya guy from Starbucks sa loob ng Army Navy. Naka- 3/4 long sleeves siya na black tapos chino colored pants and the oh so typical top sider. Ang tangkad pala ni Kuya. May kasama siyang guy na taga Arki at isang taga Med. Meron pang isang taga ibang school ata since naka civilian ito. Typical na magkakaibigan sila. Hindi niya siguro ako napansin sa likod kasi nila yung table namin, eh nakatalikod siya sa door ng Army Navy. Nabanggit ko sa ka-block ko yung nangyari, since gaga at kalog din yun sinamahan pako sa trip ko. Kesyo sparks na daw yun, na baka siya na daw yung soulmate ko. Ako naman tong si gaga kilig na kilig. Sabi sakin ng ka-block ko bakit di daw ako mag-hi, hindi ako ganung babae na unang nag-aaproach pero narealize ko wala namang mawawala eh. Mag-hi ako tapos magpapasalamat ulit. Oo alam ko parang desperada pero wala eh, tinamaan ako. Sharp shooter pala talaga mga Lasallista. I-aaproach ko na sana sila ng may nagtakip ng eyes ni guy. It was a girl, mala anghel yung mukha niya. Napaka ganda nung babae. Halos lahat nga ng guy sa labas eh napatingin sakanya. Nakita ko yung pagkagulat ni guy, so naisip ko baka isang desperate girl lang na gustong makuha yung atensyon niya. Pero nung hawakan niya yung mga kamay ni girl na nakatakip sa eyes niya at nakita ko yung ngiti niya. Hindi ito yung ngiting pinakita niya sakin kanina, ito yung ngiti ng taong nagmamahal. Nagulat din ako pero mas umibabaw yung hiya at sakit. He even kissed the girls forehead. Mukhang mayaman din yung babae binato niya kasi yung susi ng sasakyan niya sa mga kasama ni guy. Isang puting mini cooper. It's my dream car, bagong labas ito ng mini. I even heard her say, ""Just park it in La Salle."" So she's also a Lasallian. Ang masakit pa he saw me before entering his car, he smiled politely. And they sped off.

Lesson Learned: Wag umasa lalo na kung hindi mo pa naman kilala yung tao. Oo nagpakagaga ako pero kuya guy kung nagbabasa ka man dito, sana tumagal pa kayo ng girl mo. Swerte niyo po sakanya napakaganda niya eh. More power and stay strong.



Ate Girl 

2013 

College of Tourism and Hospitality Management

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon