Hi mga par. Kwento ko lang sainyo lovestory ko. Hehe. May girl ako na nakilala sa isang social networking site. Bored na bored ako noong araw na yun kaya nang stalk na lang ako ng hehe. Alam nyo na. Then may isang pangalan akong napansin, edi vinisit ko yung wall niya then kinausap ko siya (without her knowing my name), habang nag uusap kami, hindi kona nakayanan hindi magpakilala kaya naman nagpakilala nako. Hanggang lumipas ang mga araw, lagi na kaming magka-usap. Komportable nako agad sa kanya simula no'ng una palang kaming mag usap, di ko alam kung baket. Edi 'yun na nga, lumipas ang mga araw, binigay nya sa kin ang cp # niya. Simula no'n, araw araw na kaming magkatext. Mula pag gising hanggang pag tulog. Hahaha. Hanggang sa umamin nako sakanya na gusto ko sya haha. Wala syang sinabi no'n, sabi nya lang mawawala rin iyun agad. Ako naman si tanga, naniwala. Umasa akong mawawala ngayun pagtingin ko sakanya. Then lumipas pa ang mga araw, umamin nako sakanya na mahal ko na sya at gusto ko ng hwag syang kausapin dahil ayaw kong mas ma-develop pa itong nararamdaman ko. Ngunit sabi nya na mahal nya rin ako kaya naman tinanong ko sya kung maaari bana maging kami na kahit na hindi pa kami nag kikita at kahit na hindi pa namin lubos na kilala ang isa't isa. Then umabot nasa point na, gusto na nya lumayo dahil hindi na nakayanan. Ngunit nagawa ko syang pigilan. Lumipas ang mga bwan. Nagising nalang ako isang araw na hinahanp ko presence nya, gusto ko syang yapusin, gusto ko syang maramdaman, at do'n kolang na realize na diko kaya ang LDR. Kaya naman sinubukan kong makipag hiwalay, ngunit gaya ng ginawa ko sakanya, pinigilan nya rin ako. Napag isip isip ko, ahh putspa, baket ko pa nanaising mawala ang babaeng dahilan kung bakit ako palageng masaya, bakit ko pa iiwan ang babaeng mahal ko at nagmamahal sakin. Kaya ayun, hindi ko nasya iniwan at nangako kami sa isa't isa na hindi kami maghihiwalay. Lumipas ang mga bwan pa at napag usapan namin na magkita na sa isang lugar malapit sakanila. Sobrang saya ko no'ng nagkita kami, parang tumigil ang paligid. Grabe. Nasa isip ko no'n araw na yon, sa wakas, mayayapos at mahahawakan ko narin ang babaeng mahal na mahal ko. Ang sarap sa pakiramdam guys. Hahaha.
Para sa'yo mahal, i love you, diako magsasawa na intindihin ka, ikaw lang ang nanaisin kong makasama habang ako ay nabubuhay. Mahal na mahal kita.
At para sa mga nagbabalak na sumuko nasa kanilang relasyon, at para din sa mga taong gusto ng sumuko dahil di na kaya ang LDR, hwag po. May pag-asa pa po kung lalaban kayo pareho. Hwag nyo po iiwan ang mga mahal nyo dahil sa huli, magsisisi lang kayo. Hwag na hwag nyong hahayaan ang sinoman na sirain ang relasyon nyo, at lalong hwag nyong hahayaan na sirain ang relasyon nyo ng distance. remember, "Distance doesn't matter if each heart are loyal to each other"
At para sa mga taong nagsasabing walang forever, mayron po :))
Baeman
2013
Other
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles