Bago ko simulan ang story ko bibigyan ko lang kayo ng konting trivia about sa akin.
isa lang po akong simpleng tao na may trust issues sa bababe, hindi po ako famous,talented or what, isa lang akong lalaki na hindi magawang magseryoso sa babae dahil natatakot masktan ulet in short ""malanding lalaki lang ako."" Aminado naman ako dahil un ung past ko pero as the time goes by nag mature din ang pag iisip ko (sa wakas) nalaman ko rin ang mga mali ko at ngayon gusto ko na bumawi sa mga maling nagawa ko start a new beginning kung baga.
well un start na ng pinaka story ko...
isa po akong transfer student from a big university to a small college school. Before mag start ang pasukan sinabi ko sa sarili ko na hindi ako ma-iinlove sa kahit anong babae na taga dito sa school na to at kung sakali naman na di ko to magawa gagawin ko ang best ko upang maging tapat at seryoso na sa kanya dahil ayoko na maulit ang mga mali ko nung nakaraan. So yun na nga the whole 1st sem was good may mga naging crush ako pero i still manage my self na walang magustuhan sa school and mas mag focus sa pag aaral, then nag start na ang 2nd sem ok naman siya nung prelims pero nag bago ang lahat nung misterms. I met this girl itatago ko nalang siya sa pangalang ""rose"". Si rose ay tahimik at masiyahin at masiyahin na babae, hindi siya ganun kaagaw tingin sa mga tao kaya hindi ko rin agad nalaman na ka blockmate ko pala siya, nag kakilala nalang kami dahil sa isang kaibigan. Nung una simpleng mag kaibigan lang kami kulitan asaran ganun ganun lang.
Hanggang sa isang araw may lalaki na ng away sa kanya ewan ko kung feeling pogi lang ung lalaki or ng iinis lang siya nung araw na yun, sanabihan ba naman siya na ""alam mo feeling ko madali kalang makuha madali kalang mapaikot ikot"" nung narinig ko yung mga linya na yun ewan ko ba kung bakit bigla akong nagalit dun sa lalaki, eh kahit sino naman siguro maainis din sa sinabi niya, pero si rose nung narinig niya yun pinilit niya lang hindi mag salita dahil daw hindi naman totoo, pero dahil para sa akin nabastos nung lalaki si rose na mura ko ung lalaki at inaaway pero pinigilan parin ako ni rose dahil ayaw niya daw gumawa ng gulo, nung araw din yun sinabi ko sa isip ko kawawa naman tong babae na to kong hindi siya lalaban at hahayaan nalang siyang apihin apihin ng mga tao. kaya ako tinulungan ko siya maging masaya ulit lagi kami nag bibiruan ng line na ""easy to get lang naman pala ako."", ginagamit namin yun para ang masamang experience na un ay maging isang simpleng biro nalang. Sa lagi namin pag bibiruan hindi ko na malayan na, nahuhulog na ang loob ko sa kanya and nahalata narin ng mga kaibigan naman na where starting to get serious ang biro biroan ay nagiging katotohanan, so i decided na ligawan siya well luckily pumayag naman siya mag paligaw, so yun masaya naman ang mga sumusunod ng mga araw at buwan pa unti-unti nag kakaron kami ng progress sa aming relationship. Tapos one day i gave to her my phone dahil baka maiwan ko siya sa dami ng ginagawa, then she started to reading my inbox sa akin ok lang yun dahil wala naman akong tinatago, then she saw one convo, a convo of me and my close friend sa convo na yun sweet daw kami mag text may emoticon emoticon pa may hart hart pa basta sweet daw talaga kami so she started to get jealous and mad because she thinks that i'm cheating on her so she trey confront me and nag usao kami. Pina kwento niya sa akin kung sino ba ung girl na yun so naging honest ako sa kanya and i tell her na ganun lang talaga kaming mga mag kakaibigan alam nya yun dahil ganun kami ng bestfriend ko and ok naman siya sa bestfriend, but still even though i told her the truth she still wont believe me sino ba naman ang masisiko hindi pa nga kami may kalandian na daw ako paano pa kaya kung naging kami na.pero in that one problem she said ""itigil mo na muna ung panliligaw mo i lost my trust on you at mahirap ibalik yun."", after nyang sabihin yun nag break apart ang mundo ko, hindi ko talaga sinasadya na masaktan siya i swear....
i tried to be serious about her at dahil sa hindi ko pag iingat, i lost the girl that i love.
P.S alam kong nag kami mali ako, alam kong naging gag* ako, i just wanted to say that i'm sorry at para sa mga makakabasa nito specially sa mga lalaki kung meron kayong liligawan or nasa isang relationship na kayo intindihin nyo ang mga bagay bagay hindi lahat ng nagagawa nyo nung single pa kayo ay magagawa nyo pag nag mahal na kayo. :)) Thank you admins kung mapost man to and thank you sa mga inagtyagang magbasa and sorry sa mga nagalit sa ginawa ko.More power The Ust Files! God bless you guys
PPS: no dropping of names please mahirap na baka mali malagay nyo tongue emoticon kiss emoticon
UnoBoy101
2014-2017
B S Psychology
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles