Isa ako sa mga di pinalad na ipasa ang lahat ng course subjects. Ayun tuloy, hindi ko ma enjoy ang dapat sanang bakasyon ko ng June at July. Huhubels.
Ayun, after ng dalawang oras na klase, (Oo, dalawang oras lang ang klase. In short, sayang sa effort, sayang ang uniform at sayang ang pamasahe. Ma and pa, sorry sa pagsasayang na ginagawa ko ngayon. Huhubels. naisipan kong itext ang friend ko para sana sabay kami maglunch pero it turns out na hindi pala siya pwede. Dahil siya lang ang kakilala kong friend na may special term, no choice ako kundi maglunch mag isa. Naisip kong ok na rin yun, mag aaral na lang ako sa library for a change.
Habang nasa library ako, (Oo na, hindi ako nag aral, I ended up reading novels that are available at the Humanities section, 5th floor. Hehe.) umulan ng malakas. Sobrang lakas ng ulan. Noong una, hindi ko pinapansin, ang iniisip ko, titigil rin. Pero makaraan ang halos tatlumpung minuto, kinabahan na ako, lalo na't wala naman akong payong at sa Pasig pa ako uuwi. Isa pa, kadalasan, kahit wala pang isang oras na umuulan sa uste ay bumabaha na, and to think na nasa library ako. Ang layo ng lalakarin ko papuntang España. At dahil ayaw kong mastranded sa uste, naisipan kong sumugod sa ulan, no matter what.
Buti na lang talaga at may mga plastic ako sa bag. Pinlastic ko lahat ng gamit ko para kahit mabasa yung bag ko ay di naman mabasa yung books ko.
Lumabas ako ng library, naghintay na medyo humina ang ulan, at noong nagkaroon ako ng chance, tatakbo na ako nang biglang...
"Hey, wait!"
May pumigil sa braso ko sa attempt kong pagtakbo sa ulan.
Napatigil ako, hindi dahil sinabi niyang ""wait"", kundi dahil sa boses niyang sobrang pamilyar sa akin. Nakatalikod ako sa kanya ng mga oras na iyon, nagdadalawang isip kung haharap ba, o tuluyan ng hihilahin ang braso ko mula sa pagkakahawak niya at tatakbo na sa ulan.
Nakakatawa, kasi may naalala akong pangyayari na sobrang kagaya nito. Ang pinagkaiba lang, nasa lovers lane tayo noon at wala sa library, ako yung humihila sa braso mo noon, umiiyak at nagmamakaawang wag akong iwan, at ikaw yung matagal na nakatalikod, nagdadalawang isip kung haharap ba sa akin at mananatili sa piling ko o tatakbo at pupunta sa taong sabi mong mahal mo.
Hindi ko makakalimutan yung ginawa mo noon. Dahan dahan kang humarap sa akin. Umasa akong nagbago ang isip mo noon, na baka narealize mo na ako pa pala yung mahal mo. Pero, unti unti mong inalis ang kamay kong nakahawak sa braso mo, at with sad eyes, sinabing, ""I am so sorry, Jess. I do not mean to hurt you this way, pero mas masasaktan ka lang pag pinilit pa natin ang isang bagay na hindi na tayo parehong masaya."" <--- Verbatim
Nawala ang throwback cloud sa isipan ko ng magsalita ka muli.
"Hey Jess, look, I have an umbrella. Magkakasakit ka lang kapag nagpaulan ka. Share na lang tayo."
Hindi pa rin ako humaharap sa kanya. Matagal na akong nag rehearse ng gagawin ko kung sakaling magkita kami ulit. Pero di ako nakapagprepare sa ganitong klase ng pagkikita. Ano nga bang gagawin ko?
Pumunta siya sa harap ko dahil hindi pa rin ako humaharap sa kanya.
""What's wrong? Dahil ba sa nangyari dati? Look, I am sorry. You-""
Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. Inalis ko ang kamay niya sa braso ko.
"Sorry? Ano yun, lilitaw ka na lang isang araw para magsorry pagkatapos ng nangyari? Tingin mo ba ganun kadali yun? Sorry rin, pero hindi mababago ng sorry mo ang lahat. Kaya ko ang sarili ko. Excuse me."
Sinabi ko yun sa pinakakalmadong paraan na alam ko. Tumakbo na ako sa ulan. Ano naman kung magkasakit? Mas gusto ko na yun kaysa magkautang na loob sa kanya. Ano bang iniisip niya? Kapag nakapag offer siya ng payong makakabawi na siya sa ginawa niya sa akin? Umiyak ako. Masakit pa rin. Mahal ko pa rin siya. Pero kahit na.
Kinausap ako ng friends niya two months ago. Break na si guy at yung girl na pinagpalit niya sa akin. Ako pa rin daw pala ang mahal niya. Ano yun, pagkatapos niya akong iwan na parang basura babalikan niya ako?
Hindi ako bag na iniwan sa baggage counter na mababalikan anytime na kailanganin. Hindi ako perang idineposito sa bangko na mawiwithdraw mo anytime na gustuhin mo. Hindi ako points sa SM Advantage Card na mareredeem mo pag gusto mo na. Hindi ako wallet na mababalikan mo sa lost and found section pag naiwala mo. Hindi ako pagkain sa ref na pwede mong kuhanin pag gutom ka na.
Hindi tayo sina Popoy at Basha na mayroon pang One More Chance. Sina Jess at Ian lang tayo, mga tauhan sa isang kwentong nagtapos na, wala ng part 2, wala ng next book, wala ng next chance. Hindi na dapat magkaroon pa ng next page. Sobra na sa 500 pages. Tuldok na dapat at hindi comma. The End na ang istorya natin, nagroll na ang credits, pinakita na ang bloopers. Alaala na lamang sila ngayon. Alaala na hanggang alaala na lamang.
Para kasi akong napkin at bubblegum, na once na nagamit na ay hindi na mababalikan pa. (Yuck, I know).
Sorry Ian, mahal pa rin kita pero ayaw ko na muling masaktan pa. Sorry, kasi hindi ako naniniwala sa second chance. Sinayang mo na ako noon. Sinaktan mo ako ng sobra. Iniwan mo ako sa panahon kung kailan pinakakailangan kita. Kung nagawa mo na ito noon, hindi malabong gawin mo rin ito ngayon.
Makakalimutan rin natin ang isa't isa.
Jess
2017
AMV College of Accountancy
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles