"Now I got you in my space, I won't let go of you..."
Back to reality na naman. Tinanggal ko ang pagkakasaksak ng earphone sa tenga ko, inayos ko ang aking bag, at bumaba na sa ako sa kotse. Kinuha ko sa trangke ang sapatos ko at iba ko pang libro. Kakatapos lang kasi noon ng easter break. Hinatid ako ng ate ko sa dorm ko katulad ng palagi nyang ginagawa linggo-linggo. Matapos ang mahigit isang linggong bakasyon pero parang hindi ko naman naramdaman kasi sobrang dami rin naman ng inaral ko. Panigurado kinabukasan eh may exams na naman kami. Nga pala, ako si Achi (not my real name).
Pag akyat ko, nandun na ang roommate ko na pangalanan na lang natin na Iah. Parehas kami ng kinukuha, medisina. At nakita ko syang nagbabasa na ng Physiology kasi favorite nya ang topic, Endocrine System.
"Mamshie, kumustasa kalabasa naman ang bakasyon mes", talak ni Iah
"Keri lang Ma'am, alam mo naman na dedicated ang buong holy week ko sa simbahan", reply ko sa kanya
Nagpatuloy ang aming kamustahan hanggang sa napagdesisyunan ko nang umakyat ng kama ko. Nagcheck ako ng facebook at twitter. At bigla akong nagulat sa nagmessage sa akin.
"Hi! Kumusta ka na?" sabi nya
"Mabuti naman ako? Ikaw? Super toxic ba? Graduating ka na kasi eh"
"Oo nga, ang daming ginagawa"
Oo besh, ang tipid nyang magreply. Nagtanong pa ako ng ilang mga bagay katulad ng anong balita sa kanya, sa love life nya. Pero sigurado ako na hindi na sya magrereply. Sya nga pala ang naka swipe right ko sa Tinder nung Christmas break, si Alex (di nya tunay na pangalan). Brief background lang naman, nagkausap kami ng medyo matagal, nagkaroon kami ng sweet talk before, nagkita once, after that wala na. May naka-date kasi sya nun. Unang beses akong na heartbroken sa kanya. Oo, may mga nakilala ako, pero hindi pa rin sya nawala, nandun pa rin yung pagkagusto ko sa kanya na hindi ko alam kung bakit hindi mawala-wala.
Kinabukasan, pumasok ako. Tinanong ko ang sarili ko kung bakit sa tinagal ng panahon, ngayon na lang sya ulit bumalik. Hindi ko rin alam. Kasi kung alam ko, pababayaan ko na lang sya. Pero interesado akong malaman kasi naiintriga ako. Hudyat na ba ito ng kanyang pagbabalik? Hindi ko rin alam. Bahala na.
Kinagabihan, nagtext sya sa akin. Nangamusta. Syempre ako naman tong si power reply. Ang dami ko ring sinabi. Nagpasaring sya na nagugutom na sya at hindi pa sya kumakain. Kaya naman inaya ko sya, sabi ko magkita na lang kami sa may P. Noval. Hinintay ko sya sa may McDo, kasama ng mga batang dugyuters. At muli kaming nagkita. Grabe ang kabog ng dibdib ko. Walang pinagbago sa kanya, charming pa rin sya, gwapo pa rin sya, at genuine pa rin ang ngiti nya. Ako naman, ginamitan ko na rin sya ng power smile. At nagpunta kami sa may Tap and Chop. Umorder sya ng tapsilog at ako naman ay umorder ng paborito kong beef curry. Nag-usap kami. Nagkwentuhan sa kung anong nangyari sa mga nakalipas na buwan na hindi kami nagkita. May naging ka thing sya n aka circle of friends ni Iah, pero deadma lang ako. Kasi para sa akin, irrelevant na naman yun. Hanggang sa matapos kami, around 10:30PM. Sabi nya mauuna na sya kasi baka saraduhan sya ng dorm nya. Sabi ko naman uuwi na rin ako.
Pagkarating ko ng dorm, hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Kasi ang weird eh, kakaiba talaga sya. Matutuwa ba ako? Malilito? Matatanga? Matatakot? Halo-halo sya sa utak ko. Nagtext ako sa kanya ng pasasalamat and sinabi ko kung gaano ko sya namimiss. Hindi na ako nag expect na magrereply sya. Nanunuod ako ng movie sa laptop ko nang biglang nagvibrate ang cellphone ko. Nakita ko ang message ni Alex. Sabi nya sa akin kung pwede ba daw syang makitulog sa dorm ko. Nagulantang ako mommy. Unexpected kasi talaga. Sabi ko nandun ang roommate ko. Sabi naman nya, ayos lang. Ako naman, sige payag na. chance na rin to para makapag-usap kami.
Hinintay ko ang ilang minuto at sabi nya nasa baba na sya ng dorm. Pagkalabas ko ng building, nakita mo sya, naka full smile at inaabangan ako. At dahil kaibigan ko si ate mong guardenia, pinapasok na sya agad. Nag-usap kami sa elevator hanggang makarating kami sa pintuan ng dorm ko. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan pati ang para maiayos ang gamit namin. Sabi nya, inaantok na daw sya. Kaya naman pumayag na akong pumanik ng kama. Syempre tabi kami. Kumabog ng sobra ang dibdib ko. Hindi ako mapalagay. Tatlo ang unan ko nun. Binigyan ko sya ng isa para andayan nya, akin ang isa pang unan para andayan at hati kami ng para sa ulo. Nagtalukbong na rin kami ng kumot dahil antok na antok na ako. Syempre para hindi masyadong awkward, tumalikod na lang ako, at sabi ko sa kanya "good night". Pero hindi ako nakatiis, nilingon ko sya. Nakaharap pala sya sa akin buong oras. Salamat sa kaunting liwanag at naaninag ko pa rin ang itsura nya dahil sa reflection ng ilaw sa kabilang unit. Nagtitigan kami, nagdampi ang aming mga labi at kinalaunan, nakabalot na ang mga braso nya sa akin. At ako naman, nahiga sa kanyang dibdib. Ang bango bango nya. Matagal kaming nakalingkis sa isa't isa sa kalagitnaan ng katahimikan.
"Sobrang na-miss kita", sabi ko sa kanya
"Ako rin, lalo na yung nakita ko yung picture mo sa may simbahan", tugon nya
"Hindi ko akalain na mangyayari ulit to"
"Magsimula ulit tayo, back to zero"
Nagkwentuhan pa kami nung gabing yun hanggang sa makatulog kaming nakayakap sa bawat isa.
Tumunog ang aking telepono mga ala-sais ng umaga. Ayon kasi ang naka-set na alarm dahil kadalasan, ala-siyete ang pasok ko. At dahil alas-nuwebe pa ang klase ko nung araw na yun, ninakaw ko ang sandali para mapagmasdan ko ang mukha nya. Para syang halamang gumagapang na nakapalupot sa isang sanga. Kahit malaki ang eyebags nya, ang gwapo nya pa rin. Napaka-inosente ng mukha nya habang natutulog. Dinampi ko ng dahan-dahan ang kanyang mga pisngi, at hinalikan ang mapupula nyang mga labi. At muli kong pinagmasdan ang kanyang mukha. Dumilat ang kanyang mga mata, ngumiti ang kanyang mga labi, at ibinalik ang ninakaw kong halik sa kanya. At muli nyang ipinikit ang kanyang mga mata. Niyakap nya ako ng sobrang higpit. Hindi ko maramdaman ang lamig ng aircon sa init ng kanyang pagkakayakap."Now I got you in my space, I won't let go of you"... kanta ko sa kanya
"Got you shackled in my embrace"...sabay naming kinanta
"I'm latching on to you"...tinuloy ko ang lyrics ng kanta
Tinanong ko sya, "Alex, ganito ba ng latch"? at pinulupot ko ang aking mga braso sa kanya.
"Oo Achi, ganito nga", at hinigpitan nya ang kanyang pagkakayakap.
--PAGTATAPOS NG UNANG BAHAGI--DocEng
20**
Faculty of Medicine and Surgery
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles