I had a dream about this certain girl, isang beses lang nangyare yun pero ang weird kasi naaalala ko lahat ng nangyare sa panaginip ko. It was @ the library and then there was this girl na katapat ko na nagrereview, we were talking and she's smiling and laughing shyly. I thought I may have seen her around UST but I can't remember when. Maybe my brain played a joke on me but it felt real and stronger than any memory. So since I like to draw and I'm quite good at it, I made a sketch of her pero di ko masyadong madetalyehan yung eyes niya since it was based sa memory of my dream.
I showed it to my friends para lang itanong kung pamilyar sa kanila, pero wala. If only I could bring this sketch to life. So there is just one last (and desperate) option left; The Library. Pumupunta ako sa Science Section before and after ng classes ko, and what kept me going there was the thought maybe, just maybe, this time (every time) maabutan ko na siya. 9 days na yung nakakalipas na ayun ginagawa ko, hindi na nga ako nakakasama sa friends ko na maglaro pagkatapos ng klase. Sabi din nila itigil ko na kahibangan ko. Sabi ko sa sarili ko, bukas last day na. Baka naman talaga panaginip lang siya.
Nung papunta na ako, kung ano ano na nafifeel ko, naiihi na nagbabasa yung kamay na kinakabahan parang ewan. Pero tumuloy pa din akong pumasok. Pagkaupo ko, nanlalamig naman ako. Nag-antay ako ng mga dalawang oras. Naiinis na ako sa sarili ko, bakit ko ba kasi pinalaki yung halaga nung panaginip ko? Nag ayos na ako ng gamit ko at tumayo para lumabas. Nagdadabog na ako kasi narealize kong ang tanga ko. Buti na lang may papasok na at nagbukas ng pinto kundi, malalakasan ko yung sarado..
Nang pagkatingin ko sa kaniya.. SIYA YUNG BABAE SA PANAGINIP KO!!! Pero nakasuot siya ng glasses at may hawak na libro. Napa-""oh shit!"" pa ako sa harap niya at nag-sorry. Kinurot ko siya sa braso para lang makasiguro na totoo siya (oo, awkward nung nangyare). Naweirduhan nga siya ata sa akin nun eh. Nag-pause ata yung buhay ko, alam mo yung parang nag-loading. HAHA! Sinundan ko siya at umupo sa harapan niya. Para sweet (at mapost ko sa UST Files), pinasahan ko siya ng note (at kasi baka masita kami nung nagbabantay kapag kinausap ko siya). Nagsulat ako sa maliit na papel ng
"Hi", tapos nagsmile lang siya. That familiar smile.. Nagsulat ako ulit
"Coffee?", umiling siya ng parang 'no' pero nagsulat siya doon sa paper ng "Patience, grasshopper", natuwa ako kasi MALA-JOHN GREEN PALA ITUUU! Nanahimik na ako. Nagtataka siya kung bakit baka iniisip na niyang baliw ako. After siguro mga 20 minutes, nagsulat ulit ako sa paper "How about now? Coffee?" Kinuha niya yung papel para magsulat ulit."Okay. smile emoticon"
Dito kami nagsimula. 3 years na kami ngayon! Biruin mo, nahanap ko yung dream girl ko.. (literal). Hindi ko na 'to papakawalan. And I beg to disagree, merong forever. Right, my Hazel Grace?
Augustus Tubigs
2012
Faculty of Engineering
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles