Ako yung babaeng nanjan, pero lagi mong tinatalikuran.
Ako yung babaeng kasama mo sa lungko't at saya pero hindi mo mapasaya.
Ako yung babaeng lagi mong iniiyakan,
O pwede mo ring kainuman,
Sa twing ikaw ay sawi at iniiwan o kahit sa anong problema pa yan.Ako yung babaeng iyong kakwentuhan,
Kahit na lihim na nasasaktan tuwing may bago namamang naririnig na ibang pangalan.
Ako yung babaeng kakanta sa twing may hawak kang gitara.
Ako yung babaeng gumigising sayo sa twing malelate ka na sa klase mo.Ako yung babaeng sumisigaw, tumatumbling at dinaig pa ang Salinggawi sa twing nakakagoal yung mga sipa mo sa field. Pero hindi makaintindi na sinisipa mo na rin pala ako palayo sayo.
Ako yung babaeng nasa front seat ng kotse mo, pero hindi magiging una sa puso mo.
Minsan nga parang daig ko pa yung yaya mo, o yung ate mo yung mama mo pero hinding hindi magiging girlfriend mo.Kasi ako yung babaeng tinotropa lang,
Ako yung babaeng binibestfriend lang,
Ako yung babaeng kailan man..
Hindi mo kayang mahalin.
O baka naman ayaw mo talagang mahalinKasi ako yung babaeng hindi mo susubukan,
Ako yung babaeng hindi mo masuklian,
Ako yung babaeng hindi mo aaminan.Ako yung babaeng nahuhulog sa twing ngumingiti ka,
Ako yung babaeng umaasa sa twing naglalambing ka,
Ako yung babaeng tatanga tanga kasi nga baka..
Baka lang isang araw magising ka,
Tapos marealize mo na baka...
Baka pwede ka rin manindigan para sa ating dalawa, Baka gusto mo rin ako kasi ako yung nandito sa tabi mo.Pero kung sakaling hindi,
Kung sakaling wala talaga.
Siguro magpapahinga muna ako.
Kasi ikaw na yung naging mundo ko.
Hahanapin ko muna ulit yung sarili ko.
At gagawin lahat para mabuo at makumpleto.
Kakayanin ko kahit hindi yun sa piling mo.Twinny mo since 2009.
2013
College of Commerce
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles