From the city of the stars, starcity! Ako po ay isang crossbreed ng beki at girlie. Babae talaga ako pero may puso at bungangang beks. Tipikal na masiyahing estudyante, babagsak na ako sa accounting at theology pero humaharlemshake pa din akels sa lobby ng Albertus Magnus building. Itago nyo ako sa pangalang Bektas. Ito ang kwento ko...
"Manong bababa ako dyan sa may stoplight."
"Diba hanggang perbyu ka pa?"
" Koya wiz ko nang keri imma throw up na!"...May dalawang buwan na. Di nababawasan ang stock ko ng napkin sa kwarto ko, OMG can this be...
OO. Najontis akels ng very hard. Nung una wiz akong aware at push lang ako sa pagjosok sa skulembang. pero eventually nalaman ko din. Nagpawis ang aking Kelly Clarkson at ako'y napa shutang jina! Gumuho ang mundo ko. Pano na ang pangarap ng pudrakels ko? Anong sasabihin ni mamita? Uhm abortion? Makakapagtapos pa kaya ako? Papanagutan kaya ng bowa ko? I don't know.
Mula sa pagiging masiyahin ay naging lalong masiyahin ako sa tapat ng mga kaibigan ko. Oo malakas ako pero hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gabi gabi akong umiiyak sa kama ko. Nanghihina ako. Tama ba to? Ayoko nito. Makakatulugan ko nalang ang pagisip sa problema ko pagkabangon sa umaga naman ay ligo, itago sa eyeliner ang pamumugto ng mata, konting make up, smile at rampa!Tumigil ako sa pagaaral. Nadepress ako. Alam kong hassle bumangon ng very early para sa mga nakakabugnot na klase pero mas mahirap ang pinagdaanan ko. Araw araw kang pinagchichismisan, sinisipa ako ng baby ko, bihira akong dalawin ng jowa ko. Alam kong simula ngayon hindi na ako makakagalaw ng malaya. May responsibilidad na akech.
Makalipas ang ilang buwan, binigyan ako ni lord ng isang anghel. Masaya na ang buong family ko at namin ni baby. Ang sarap mabuhay lalo na sa tuwing gigising ako ay maglilinis ako ng diaper ng baby ko na full of surprises.
Ngayon kasalukuyan kong hinahabol ang naudlot na pangarap ko. Push pa din ng push kahit may junakis na. Mali kayo. Wiz syang hindrance, isa syang inspiration.
Magsilbi sana itong aral sa iba at inspirasyon sa kapwa teenage parents. Masarap ang hotdog pag walang plastic at ang saging pag walang balat pero be safe and wag sa po sa loob ati koya. Mwa mwa!
Ms bektas haliparot
2013
College of Tourism and Hotel Management
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles