Hindi ko to gawain. Yung tipong magsusulat ako tungkol sa isang bagay at ipapadala, para mapost sa social media. Pero gagawin ko para sayo.
Alam kong hindi tayo. Alam ko din na never tayong nagkaaminan. Yung hinayaan lang natin ang mga sarili nating mapalapit sa isa't isa. Hinayaan lang natin na tratuhin natin yung isa't isang iba, malayo sa level na masasabing ""friends lang"". Masaya ako sa tinakbo ng kung ano mang matatawag mo na meron satin. Inspirasyon kita eh. Your smile marks the start and as well as the end of my day, gusto ko yun huli kong nakikita bago ako matulog. Ang saya. Ang saya saya natin no? May nabasa nga ako dito eh. Yung sunset at sunrise, yung hope at chance. Ramdam ko yun kase ikaw yun para sa akin eh. You are my hope and my chance. Dahil significant din ang sunrise at sunset satin. Masaya talaga ako. Pero, anong nangyari?
Masyado ba akong naging kampante sa kung anong meron tayo? Mali ba na nakuntento ako dun? Tama bang sisihin ka na nagmahal ka ng iba? Mali ba na feeling ko ginago mo lang ako kahit hindi naman talaga tayo? Sabi nila, may karapatang masaktan ang isang tao, basta may nararamdaman. Kase di mo naman maiiwasang masaktan lalo na if pinaasa ka talaga. Yung tipong pinaramdam sayo na mahal ka, mahal ka pero nagkaroon ng pero, mahal ka daw pero nagkaroon ng iba. Mali ba tong nararamdaman ko? Mali bang magalit ako sayo? Haha. Nalilito na kase ako. Mahal kase talaga kita. Masakit talaga yung ginawa mo. Masakit kase ako lang yung tumupad sa usapan eh. It hurts kase when I saw someone better, I chose to close my eyes so I could stay with you. You were my choice, everyday.
Di bale. Huli na ito. Ayoko na. Mag ingat ka nalang palagi. Pag nagkita tayo sa LRT, MRT, o kahit saan pa. Sana wala nalang pansinan. Kase masakit. Masakit makitang ikaw masaya, habang ako hindi na halos makahinga sa sobrang sakit na nadarama.
Congratulations natalo tayo. Congratulations kase mahal kita at Congratulations kase simula ngayon, sumusuko na ako."
Tinker Bell
2013
College of Tourism and Hospitality Management
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles