November nun, naalala ko pa. Start uli ng second semester, 3rd year na ako nun. Tapos sobrang ihing-ihi na ako, sakto subject namin sa Phil Lit kaya sabi ng prof ko magbasa nalang kami at dahil nga sobrang ihing-ihi na ako (at lahat ng mga kaibigan ko ay busy sa kakabasa) nag paalam akong magpunta sa CR mag-isa.
Medyo kakaunti lang yung mga tao sa lobby kasi nga may mga klase. Dun ako nag cr sa 1st floor kasi nililinis yung nasa 3rd. Pagpasok ko, napansin kong walang tao. Medyo natatakot ako nun kasi nga alam naman nating maraming multo sa Main Building pero naknang, sobrang ihing ihi na ako yung tipong gusto na pumutok ng gallbladder ko kaya wala akong nagawa. Naglakas loob akong pumasok. Dun ako umihi sa 1st cubicle.
Nasa kalagitnaan ako ng pagihi ko nang may marinig akong boses ng babae. Sobrang takot na takot na ako nun kaya naman nagmadali akong tapusin yung ihi ko. Pero paulit-ulit ko paring naririnig ang mga katagang "Ole, ole, ole." Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nun pero sobrang nanlalambot na yung katawan ko sa takot. Nanginginig yung mga tuhod ko. Buti nalang natapos na akong umihi at nagmadali akong buksan yung pintuan ng cubicle. Kaya lang hindi ko iyon mabuksan dahil parang may nakaharang, parang may pumipigil para mabuksan ko. Nagsimula na akong magdasal ng Apostle's Creed ng mga oras na iyon. Naiiyak at namumutla narin ako sa takot. Sinubukan kong itulok nang mas madiin yung pinto ng cubicle, at buti nalang nakayanan kong mabuksan. Paglabas ko ng cr, dali-dali akong bumalik sa room ko.
At dahil na rin sa sobrang takot, parang pabalibag yung way ng pagbukas ko ng pintuan kaya nung pagpasok ko lahat sila nagtinginan sakin, pati na yung prof ko. At lahat sila nanlaki ang mga mata nang nakita nila akong umiiyak at tila parang nawalan na ng dugo dahil sa sobrang putla. Nilapitan ako ng prof ko at tinanong niya kung anong nangyari. Kinwento ko sakanya yung nangyari sa cr.
At doon niya sinabi na ang ibig sabihin daw ng OLE ay LOOK UP. Pagkarinig na pagkarinig ko nun, mas lalo akong humagulgol sa takot. Hindi ko alam kung ano ba yung gustong ipakita sa akin ng babae. At pano nalang kung aksidente akong napatingala, ano kaya ang makikita ko?
Ewan, ayaw ko ng isipin. Basta isang bagay lang ang sigurado ako, hinding-hindi na ako mag c-cr doon kahit kailan.
walaakongscreennameokay
2016
Pharmacy
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles