Hi.
I grew up in a well-off family. Only child ako and I used to get what I want. Di naman ako spoiled. Kung ano yung ibigay ng parents ko, masaya na ako. Nakagraduate ako ng HS sa isang exclusice school, Binibilhan nila ako tuwing may bagong labas na phone, ng pambili ng damit, etc ng kusa. Halos lahat. Kung may hilingin man ako at tinanggihan nila, di ako nagwawala. Kumbaga, kuntento na ako dahil nakakapag aral ako sa UST, meron pa akong mapagmahal na family at boyfriend.
Pero dumating yung araw na nawalan ng trabaho si mommy. Nalugi naman ang mga business na itinayo ni daddy dahil sa mga nakaraang bagyo. Yung natitira naming ipon, pinambayad sa tuition at dorm ko. Mahal ang rent sa dorm ko kaya hindi din magkakasya yung naipon namin para sa susunod na sem.
Naiiyak ako sa tuwing makikita ko yung ulam namin. Ang dating sinigang, kare-kare, at caldereta, ngayon ay piniritong isda at sardinas na. Tapos alam ko naisanla na din namin yung lupa at kotse namin kahit ayaw sabihin ng parents ko sakin. Yung debut ko na matagal na plinano ng parents ko, wala na din.
Pinatanggal ang internet, cable, lahat bukod sa kuryente at tubig. Dumating ang pasko, di na kami nakabili ng hamon at kahit isang pares ng bagong damit man lang. At ngayon, kailangan ko na umalis sa dorm ko at maghanap ng bedspace. Nanganganib na din ang pag stay ko sa USTe kung di ako makakakuha ng scolarship.
Ang hirap tanggapin. Nangungupahan na lang kami ngayon. Umaasa sa padalang $100 na padala ng kamag anak namin sa abroad kada buwam. Nagpapasalamat padin ako na kahit papaano eh nakakarnakakaraos din kami. Pero pinakamasakit yung makita mo yung nanay mo na umiiyak at makikita mo sa mata ng tatay mo na wala din siyang magawa.
Sinisi ko din ang Diyos kung bakit nagkaganito kami. Di kami gahaman sa kapwa. Madasalin ang pamilya namin. Mahigit isang oras ang ginugugol ng nanay ko sa pagdadaal araw araw pero pahirap kami ng pahirap. Bakit kaya Niya kami pinabayaan? May nagawa ba kami para parusahan Niya kami ng ganito? Ayoko ng maniwala sa Kanya pero may katiting na parte sakin na kailangan ko lang magtiwala sa plano Niya.
Pero alam niyo yun? Naiiyak ako gabi gabi pag naiisip ko na naghihirap na kami. Alam ko sasabihin niyo na maswerte pa ako dahil may natitirhan ako at may nakakain. Pero bakit ganun? Kung sino pa yung di naman ganun kalapit sa Diyos, sila pa yung tuloy tuloy yung swerte sa buhay? Ang daya. Ang daya ng buhay.
BS Psych ang course ko pero pakiramdam ko mas una pa akong mababaliw dahil sa problema namin. Nakakadepress. Di ko narin matutuloy ang pangarap ko mag med. Pinipilit ko lang maging matatag dahil sa tingin ko ang tanging pag asa na lang namin na makaahon sa hirap ay pag nakagraduate ako at nagkaron ng maayos na trabaho.
Kailangan ko lang ng outlet. Wala kasi akong masabihan kahit sino dahil natatakot ako sa mga sasabihin nila. Thanks UST Files. smile emotic
Cinderella
2014
College of Science
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles