Law of Dissipation of Tunay na Pag-ibig

3.1K 24 0
                                    

"Tunay na pag-ibig can be created but not destroyed. It can also be transformed from one form to another."

Ano daw?

Pauso ko lang yan. Nilagyan ko lang ng arte para kunware expert. Himayin natin. Tunay na pag-ibig can be created. Ang gusto ko lang sabihin dyan, na yang puso mo, kayang gumawa ng napakaraming tunay na pag-ibig. Bahala ka kung gaano karami ang gagawin mo at kanino mo ibibigay. Hindi kailangang makatanggap ka muna bago ka makagawa.

Tunay na pag-ibig can't be destroyed. Pag naibigay o natanggap mo na ang tunay na pag-ibig. Nandun na lagi yun. Kahit pa sabihin mong walang forever dahil kakabreak niyo lang nung 23. Ang nasisira lang naman talaga minsan, yung puso. Kasi may mga taong binigyan na nga ng tunay na pag-ibig, maninira pa. Minsan tuloy, hindi makapagsend (ng tunay na pag-ibig), minsan naman, nakakareceive pero hindi nakakabasa. Pero ang kagandahan sa puso na yan, pwedeng irepair.

It can be transformed from one form to another. Hindi naman porke tunay na pag-ibig, yung cheesy version na agad. Pero kasali yun sa mga forms. Requirement ngang lumandi eh, wala kang mararating pag wala yan. Pero one landi at a time lang ha, pag meron na tama na. At yun na nga, hindi lang cheesy ang form ng tunay na pag-ibig, i-convert mo sa ibang bagay. Tuklasin mo lahat ng forms ng tunay na pag-ibig. Ipaglaban mo ang forever. Pero bago yan, mag-aral ka muna.

MasterIstoker
2012
Faculty of Engineering


Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon