Ikaw Pa Rin

5.9K 39 1
                                    

minsan iniisip ko kamusta ka na kaya? okay ka lang ba? naiisip mo din kaya ako? ano bang nararamdaman mo tuwing nagkikita tayo?

minsan hindi ko din maintindihan eh kung talagang mapagbiro ang tadhana. habang patuloy akong lumilimot, patuloy naman tayong pinaglalapit uli. bakit ganun? napapadalas na yung pagkikita natin

nakikita kitang masaya kasama sila. nakikita ko mga litrato mo na masaya na kasama siya. eh ako? kailan din ba ako tuluyan nang magiging masaya? kailan nga ba ko tuluyang makaka move on?

tanga ko naman kasi eh. sayo ko pa binigay lahat lahat. ngayon ubos na ubos na ako smile emoticon buong pagkatao ko nadadamay. sobrang takot na akong mapalapit sa ibang tao. hindi ko alam. natatakot akong mapalapit ulit yung loob ko at masaktan.

hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. nalulungkot ako na wala ka na. nalulungkot ako na masaya ka na. nalulungkot ako tuwing naiisip ko na kung tayo pa kaya ngayon siguro ang saya saya ko. nalulungkot ako tuwing naiisip ko na lahat lahat ba ng yun mapupunta lang sa wala.

minahal mo kaya ako? hindi naman kasi ganun kadaling lumimot ang isang taong nagmamahal diba? siguro nga talagang hindi. alam ko, wala ka namang kasalanan. kasalanan ko nga to.

sorry ha, sorry kung di ako sapat. sorry kung kulang pa rin ako para sayo. sorry kung hindi ako yung gusto mo. sorry kung nagkulang ako. sorry kung may kakulangan ako kaya mo ako pinagpalit sa iba.

tuwing nakikita kita, nasasaktan pa din ako. naaalala ko kung gaano tayo kalapit sa isat isa dati. ano na ngayon?... ni halos di mo na nga ako kilala eh... dinadaan daanan mo na lang yung dating babae na kayakap mo sa kama.

ang sakit sakit. hindi ko pa din matanggap. hanggang kailan ba ako magiging ganito... gusto ko na ding maging masaya... ang sakit sakit pa rin kasi... ilang buwan na nga pala tayong break ngayong araw na to... kung magkasama kayo tayo nung araw na yun... tayo pa kaya?... masaya pa rin kaya tayo hanggang ngayon? :"(

mahal na mahal pa rin kita eh. bakit ba ganito smile emoticon ang unfair ng buhay. hindi ba pwedeng mabalik na lang sa dati? hindi ba pwedeng maging okay ulit tayo tulad ng dati? ang tanga tanga ko. ako na nga tong niloko at iniwan, bakit ako pa din yung nagmamakaawa na bumalik ka.

wala eh mahal na mahal kasi kita smile emoticon hanggang ngayon ito pa din ako. kailan kaya ako magiging masaya tulad mo...

Tangang tanga
2015
Medicine


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon