Kuhanan pa lamang ng uniform nun may napapansin na akong lalaki na pamilyar sakin. Nung freshmen orientation nalaman kong parehas pala kami ng block. Itago natin siya sa pangalang, Myron. Kababata ko siya. Taga norte kasi talaga kami bago kami lumipat sa maynila. May girlfriend siya noong 1st yr kami ngunit bago lumabas ang results ng cut-off ay kumalat ang balitang nakipag break daw si Ana kay Myron.
Isang araw bumili ako sa starbucks noval, nakita ko si Myron na parang tinataboy ni Ana at mabilis na pumasok sa dorm si Ana. Taga iTower kasi siya. Kahit matalik ko silang kaibigan ay ayokong maki alam.
Kinagabihan pag uwi ko nakita ko si Myron sa lobby ng España Grand. Dito kami parehas nakatira. Syempre sa haba ng pila nagkaoras kami upang mag usap. Nakumpira kong nag break na nga sila ni Ana sa dahilangan hindi na niya mahal si Myron. Nasasaktan ako para sa aking kababata dahil alam ko naman ang tunay na rason. Masyadong nasasakal si Ana kay Myron dahil ito ay clingy hindi daw niya maexplore ang Maynila dahil over protective nito.
Nagreshuffle na ng mga students, magkaklase kaming tatlo. 2nd yr 2nd sem sabi nila ay gusto daw makipagbalikan ni Ana kay Myron ngunit nung nakausap ko siya para tulungan na nga silang magkabalikam ang sabi niya ay tanggap na niyang nagkamali siya at tanggap na niyang wala na silang pag-asa.
4th yr 1st sem. Ang site visit namin na hindi ako nakapagdala ng sasakyan at sakto namang pinayagan si Myron. Sa kanya na niya ako pinasabay dahil ang balak niya ay pag tapos ng site visit kami'y dederetso sa kanila para mag dinner, namimiss na daw kasi ako ng mga tao doon. Pumayag naman ako dahil pa-norte naman ang destinasyon namin.
Noong kami ay pauwi na nagtutuksuhan ang mga lalaki na wala na daw espasyo sa kanilang mga sasakyan dahil nagtabaan daw sa kabusugan ang kanilang mga sakay kaya baka daw puwedeng si Ana ay sumabay sa amin. Um-oo na si Myron. Noong ako ay pasakay na sa harapan may humila sakin at bumulong na kabarkada ni Ana sakin ""wag ka ng umepal, kababata ka lang hindi ka first love dun ka sa likod""
ang ganyang tagpo ay hindi lamang isang beses na nangyari. Kahit sa simpleng mga gala namin ay ganyan ang nangyayari.
May sakit si Myron, dilated cardiomyopathy, 2nd yr kami nung matuklasan namin ito. Hindi namin pinaalam sa klase. Kung hindi ako nagkakamali yun yung sakit ni Athena Dizon sa She's Dating the Gangster.
Hindi naman ako tanga para di maramdaman na nadedevelop na kami na isat isa kaso, RMA came. Thesis came. Hindi na ganon kadalas ang paglabas namin. Hanggang sa isang araw nalaman kong okay na sila ni Anal Hindi na sila awkward sa isa't isa
Nasaktan ako syempre, napakalaking kalaban ni Ana sa puso ni Myron. Ngunit tinuloy ko pa rin ang pag alaga sa kanya. Um-okay ang kalagayan niya dahil masaya na ulit siya. Malaking tulong sa may sakit sa puso ang pagiging masaya.
Doon ko napagtanto na si Ana lang talaga ang makakapagpasaya sa kanya. After graduation, lumayo ako sa kanila.
Nito kang nakaraan, kumuha ako ng mga requirements sa Beato para sa lilipatan kong trabaho. Nakasabay ko si Myron. Halata ang pag bagsak ng katawan niya.
Nagkausap kami habang pababa at natanong ng madaldal kong dila ang tungkol sa kanila ni Ana. Ito ang sagot niya:"Hindi na ulit nagkaroon ng kami ni Ana. Sabi ni Tin, ang sabi mo daw ang alam mo si Ana ang magpapabuti ng lagay ko, si Ana ang kasiyahan ko. Alam mo anong totoo? Ikaw Lea, ikaw ang tunay na nagpasaya sa puso ko, ikaw ang nakakabuti sakin. hindi siya"
mag iinarte pa ba ako? Kami na.
PS okay lang magmahal habang gumagawa ng thesis
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles