Foolish Heart #3

12.5K 184 14
                                    

Isang gabi habang pauwi ako galing sa school, sumakay ako sa FX. Nakatabi ko ang dalawang babae galing sa ibang university. May pinag-uusapan sila at ako naman si chismosa, medyo naririnig ung usapan nila.

Girl 1: Ay beh, yung bagong jowa ko ang gwapo! Ipapakilala ko sayo soon.
Girl 2: Weh? Bakit di ko kilala?
Girl 1: Ah, graduate na kasi siya. Nagtatrabaho na tsaka taga-paranaque siya.
Girl 2: Ahh, sige sabihin mo mag starbucks tayo minsan.
Girl 1: Sure. Actually 3 days palang kami. Bago palang. Kaso nakapunta na ako sa bahay nila tsaka gabi gabi magkausap sa phone.
Girl 2: Patingin nga! Search mo dito sa phone ko.
Girl 1: *types name on search and clicks on dp* ito beh oh! Gwapo diba?

To my surprise, sinearch niya ung boyfriend ko at pinakita niya ung dp sa friend niya. Nagulat ako at sinabi:

Ako: Ate, kilala mo yan?
Girl 1: Ayy opo. Bf ko po.
Ako: Ay ganun ba? Boyfriend ko kasi yan eh. 1 year and 8 months na kami. Ito texts niya oh, may picture pa kami *shows wallpaper and inbox*
Girl 1: Hala ate? Ano to? Di ko alam na may gf pala siya!!! Halaaaa! Nakapunta na nga ako sa bahay nila eh.
Ako: ako din naman, madalas ako dun at kilala ko pamilya nya. Uhmm, wag mo nalang siya kausapin. Ako na bahala.

Paguwi ko, sinabi ko agad sa boyfriend ko.

Ako: Babe, may nakasabay ako sa FX. Yung jowa mo. Taga blah blah university, blonde hair, full makeup, mas mahaba pa ung panty kesa sa skirt niya.
Bf: Huh? Sino un?
Ako: Haynako di ka talaga umaamin. Basta tigilan mo na yang ka-$&@?! mo ah! Wag mo nang kakausapin!
Bf: Okay. I love you babe
Ako: I love you too

Tanga #3, foolish heart #3. Mas tanga pa ako kay Tere Madlansacay at Julien Parker. Mahal na mahal ko kasi yung bf ko at alam kong mahal niya rin ako. Mahal din namin ang pamilya ng isa't isa. Siguro, nangati lang siya ng onti. Bakit ba ang bilis ko magpatawad? 

Tere sa FX
2013
College of Commerce and Business Administration

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon