"Bilang isang wedding coordinator, normal na sa akin mag-set up ng wedding kahit kanino, kahit sa taong nang-agaw ng boyfriend. Pagtingin ko sa groom-to-be, eh hindi naman ikaw. Nagulat ako, gusto ko sanang alamin kaso una, matagal na yung panloloko mo saken, pangalawa, gusto ko maging professional ang meeting namin. Ang civil lang ng dating. Sabi niya, gusto niya raw ikasal sa isang events hall sa _______ hotel. So I did my job.
Kahit ayaw ko sa ex-gf mo ay inayos ko pa rin ang kasal. Kahit may sama ako ng loob, I have to make it very special dahil ang wedding ay napaka-espesyal lalo na sa isang babae.
Nakaposisyon na lahat at nagsimula na ang martsa patungo sa altar. Ang ganda niya. Kaya siguro di ka nagdalawang isip na palitan ako noon? Alam mo ba hindi na ako nagkaboyfriend ba pagkatapos mo akong lokohin?
At dahil nasa may bandang likuran ako ng stage, napansin ko ang mukha ng ex-gf mo at bigla na lang siyang lumuha at some point. Pinahid ng groom niya ang luha at binulungan. Tumango naman si girl sabay tingin sa pari. Siguro sinabihan yung ex gf mo na magiging okay lang lahat.
Siyempre, reception na. Kelangan ko maglakad lakad. Habang nilalapag ko na ang separate prepared dish para sa pari. Ilalagay ko na sana sa mesa nang nagsalita ang pari saken.
"Sana tayo yung nandoon eh. Sana tayo yung nag-I do sa isa't-isa. Sana binigyan mo man lang ako ng chance dahil nagkamali lang naman ako."
Aaminin ko ang creepy ng dating. Lumingon ako.
Kaagad na hinalikan ng luha ko ang lupa.
Ikaw pala ang pari.
Wattpad naman ng buhay ko
2009
Faculty of Arts and Letters
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles