Interview With The Douche

3.4K 33 2
                                    

Interview with the douche-pinaka douche na nakilala ko sa tala ng buhay ko.

Gusto ko 'to ikwento sainyong lahat kasi gusto ko pag ingatan nyo ang mga sarili nyo, fellow ladies. Don't be like me.

I met this guy. He's not from UST, he's from another school na sikat din. I met him and I thought "Woah, this guy is the smartest guy around" kasi he listens, never pa daw siya nagka girlfriend, all day all night kami magkatext, magkausap, mukha siyang maamo, matino kausap, magaling magluto and all, pero yun pala inside of him is a heartless f*ckboy.

Okay na kami, Liligawan na niya ko. We watched a movie na kaming dalawa lang sa room but we kissed and sabi ko "Oh, good kasi hanggang 3rd base llang kami" pero he was so persuasive na "Ikaw bahala, kung gusto mo gusto ko din pero kung ayaw mo then okay lang" pero nadala talaga ako kasi he was so cute and innocent (You get me girls, yun pala strategy nya yun)

So we did it. Mga 2 minutes, I asked him "Pano kung nabuntis ako? Pananagutan mo ba?" tapos sabi niya "Di ko alam.. Pagiisipan ko" So I stopped. Kasi naisip ko kung matino siyang lalaki at kung gusto nya nga talaga ako, he wouldn't let me be a single mother, pananagutan niya yun.

I curled in a fetus position. Nagiisip lang ako na parang "Oh no, what have I done..." Tapos hinihintay ko lang siya na i-hug ako pero wala. Wala talaga. Nakatitig lang siya. And he told me

"Magusap nga tayo. Upo ka, may sasabihin ako...
Lahat ng sinabi ko sa'yo, complete opposite ng mga sinabi ko. Hindi ako yung tamang lalaki para sa'yo, sinungaling ako. Pero makinig ka sakin, may mga mas mabait pa na lalaki diyan.""

Tapos nakatitig lang ako, di ko maintindihan kasi akala ko siya ang pinaka mabait na lalaki, and turned out, siya pala ang pinaka trinaydor ako. Naiiyak na 'ko nun, pero kailangan ko maging matatag, ayokong matuwa siya na umiiyak ako.
Sabi ko:
"Wait, so hindi ako yung first mo?"

Sabi niya "Hindi, nakarami na ko. Iba't ibang babae tapos iiwan ko sila. Gusto mo ng proof?" Nakangiti niyang sinabi sakin. Kinuha niya yung phone niya at ung mga pangalan puro "Ms Industrial Enggineering, Ms tanga, Ms FEU" Madami sila.

at sinabi ko sakanya "Palagi ba yan? Paiba iba ka ng ginagamit?"

guy: "Hindi, mga once a month iba't ibang babae ang nakaka s*x ko since high school, madami lang ako katext muna. May date pa nga ako hmm, sa isang araw eh." (Graduate na siya)

ako: *napahawak sa bibig* "Grabe... pero pano mo kami napapagsabay sabay? Palagi mo kaya akong kausap"

guy: "Maniniwala ka ba na dalawa phone ko? Tapos parehong dual sim?" (Kaya pala di nagpapaload 'tong gagong 'to. Lagi siyang viber) "Pero 7 days ko lang sila tintext. Except ung ibang busy, kagaya nung isa magb-board exam so 10 days siya. Pero first ka ha, ikaw ang una kong sinabihan ng ganito."

ako: "P-pero bakit? Bakit ako?"

guy: "Kasi alam ko kung gano ka ka'fragile. Mukhang iiyak ka na nga kanina eh. Para wala lang emotional attachment, para madali lang sa'yo. Kasi naranasan ko na lahat, nagantihan na ko ng mga babae, nabuhusan ng coke.. Saka you're cool naman, iba ka sa mga ibang babaeng nakilala ko. Gusto ko yung personality mo"

ako: "Wait.. So ang balak mo hindi mo na ko itetext mamaya?"

guy: "Oo, bale im-memorize ko nalang ung dulo ng number mo tapos id-delete ko para kung sakaling magtext ka"

ako: "Oh my god. May gusto ka bang babae ngayon?"

guy: "To be honest with you, oo. Meron. Kaklase ko dati. Kaya nga ako nag (dating site) kasi para makalimutan siya eh. Gusto mo makita?"

ako: "Wag na, wala na naman akong pakialam sa'yo. Teka, nagka girlfriend ka na?"

guy: "Oo, dalawa. Yung isa childhood friend ko, yung isa kapitbahay"

ako: "Bakit kayo nagbreak?" (I tried to understand him, kung bakit niya ginagawa yun. Maybe na trauma siya sa girls dati, I was wrong pala)

guy: "ayun, nahuli nila ako na madaming babae"

ako: "Grabe ka.. Alam mo yun kasi akala ko kasi may chance ka pa na magbago, hindi eh. Nasa dugo mo na ata yan eh"

guy: "Oo, actually. Mahirap magbago. Nasa system ko na ata 'to. Tito ko nga eh may tatlong asawa, blah blah"

ako: "Sobra ka. Haha, hindi ko napansin sayo.."

guy: "Mukha akong mabait diba? haha pero ang totoo sobrang heartless ko. Kaya ko mangiwan ng babae sa ulan.""

ako: "Gago ka... Bakit ganun natutuwa ka na ini-interview kita at sobrang curious ako sa'yo like you're famous or something. At tingnan mo oh, sanay na sanay ka makipag usap sa babae nakangiti ka lang jan"

guy: "Sinasagot ko lang lahat ng tanong mo. Kung gusto mo fubu tayo, "

ako: "No, sobrang off limits ako sa'yo ayoko na kita tabihan ayoko grabe, sana 'di ako maging katulad mo"

guy: "Why? Masaya naman ah"

ako: "No, ayoko masira buhay ko. Hindi talaga ako makapaniwala. Tingin ko na sa lahat ng lalaki ngayon, manloloko"

Anyway, after nun nagusap pa rin kami sa text, nakikinig siya sa mga kwento ko, ako naman kini-kwento ko yung lovelife ko kasi nanghihingi ako ng advice kasi gusto ko malaman if manloloko rin ba yun katulad niya haha. Sinabi niya sakin na kailangan ko daw kasi ng kausap, siguro nir-replayan niya pa rin ako kasi nakita niya kung gano ako ka nene at emotional sa mga ganito na naniniwala sa forever at kung ano. Pero dahil sakanya, lahat na ng lalaki para sa akin ay manloloko. Nagh-hope nalang ako na may forever.

Girls, magi-ingat kayo.
Take care of yourselves.

bubbles
2017
Faculty of Engineering (not my real college)

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon