Humingi ng favor yung blockmate ko. Sabi niya sakin, kung pwede ko daw ba siyang tulungan mag-wrap ng regalo niya para sa nanay niya, di daw kasi siya marunong. So kinabukasan sa school, inabutan niya ko ng regalong na ang gulo gulo ng pagkabalot. Dahan dahan ko inalis yung tape para maayos ko. Sabi ko pa ""ano ba yan para kang bata magbalot nakakahiya ka". Hanggang sa narealize kong yung regalo pala niya sa nanay niya ay yung librong Bakit Di Ka Crush Ng Crush Mo ni Ramon Bautista. :)) Tinanong ko naman "o bakit mo to bibigay sa nanay mo?" and then narealize kong malapit na nga pala ko magbirthday, at para sakin yung librong yun. (Lagi kasi ako nanonood ng TFTFZ non haha) Tawa ako ng tawa kasi di ko naman talaga akalain. Friends lang talaga kasi kami nun kaya di ko inisip na bibigyan niya akong regalo. Hehe. Pagbukas ko sa first page, may autograph ni Ramon Bautista saying:
"Mahal ka niya. Ramon"
Galing dumamoves. Di nararapat sa friendzone. Hahaha. And like all UST File love stories, mag 2 years na kami. Yehey hahahahahaha #bawalbitter#mayforever
Ninong Namin sa Kasal si Ramon
2011
Faculty of Arts and Letters
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
No FicciónThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles