Dukha Tips: Starbucks Edition

7.9K 162 7
                                    

Ako lang ba? O mahirap talaga mag focus sa pagaaral kapag nasa bahay. Malakas ang gravity ng kama. Naaamoy mo ang masarap na niluluto ng kapitbahay. Hirap na hirap kang bitawan ng remote ng tv. Di mo mapigilang subaybayan ang dramarama sa hapon (yuck). Mabilis ang internet connection-- at marami pang iba. Kaya naman, bilang solusyon, marami sa mga masisipag (at nagsisipag-sipagan) na estudyante ang nagaaral sa mga coffee shops, milk tea places, at kung saan saan, basta sa labas ng bahay. (Try nyo minsan sa literal na labas ng bahay, kung wala ka na sa matinong pag-iisip.)

Kaya lang, may isang problema. Magastos! Hello? Wampipti kaya ang isang kape sa Starbucks. (Laging litanya ng tatay ko: ""Anak, pagkain na yan ng buong pamilya natin sa isang maghapon. Huhuhu."") At madalas napipilitan ka pang bumili ng isa pa dahil mauubos mo na ang isang venti ng green tea cream habang nagfe-facebook.

Prelims na, at bilang solusyon, ito ang ilang tips para hindi (masyadong) magastos kapag nagaaral sa labas.

3 Dukha Tips: Starbucks Edition

1. Mag order ng Iced Americano. Nahiya ka pa, i-Venti mo na. Remember, ang goal natin dito ay makapag stay ng matagal nang hindi nauubos ang drink (dukhang dukha talaga! Hahaha!) On the rocks lang kamo, (over ice lang, walang water). Dahil nga nandoon ka para mag-aral at hindi uminom ng kape. Mas mabagal matunaw, mas matagal din tumabang! Oha! Oha!

2. Aminin, hindi mo kayang inumin yon dahil sa sobrang pait. Dadaigin siguro ng dagundong ng bass sa mga jeep ang dibdib mo kung mauubos mo yun. Mag add ka ng White Mocha syrup. Mga 4 pumps. (3 lang sa diabetic, kung ayaw mong maputulan ng paa ng maaga.) Bilang mapait parin kahit magdagdag ng syrup. Ang average rate ng pag inom ay isang higop kada limang minuto. Susuko ang taste buds mo sa sobrang pait, pramis.

3. Kapag nangalahati na, hingi ka ng yelo! Kung medyo matigas tigas ang hiya mo eh panindigan mo na ang pagiging dukha, humingi ka na din ng milk! (Mas masarap ang half & half.) Puno ulit ang drink mo. Hindi mo na kailangan bumili ulit.

Magbabayad ka nalang din ng mahal, sulitin mo na! May dukha tips ka rin ba? Share mo na!

PS. Hindi po ako binayaran ng Starbucks para dito. Lol.

Boy Sherlock 
2010 
College of Education

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon