I was in a trip going to our province that time, I was just looking outside and observing the dark fields with some lights from the houses that we passed by. A certain song played on the radio.
A song that I dont even recognize, probably it was just released weeks or a month ago. But that song triggered something, something I'm trying to forget.
I remembered him. I remembered memories.
Nung first to second quarter hindi ko siya napapansin. But something happened, hindi ko din alam pero sa simpleng recitation mo at sa side comment ko na katabi ko lang naman ang nakaranig, inasar na tayo. Naaiinis ako sa mga pangaasar nila, kase hindi naman talaga, ni hindi pa nga tayo naguusap eh. I was really denying it everytime they brought that topic up and I'm really sick of hearing it. Ang awkward kase eh, at ayokong napupunta sa hot seat lol. Naalala ko pa nung sinimulan yun nung katabi ko pagkasabi niya na ""crush mo si ________?!"" halos lahat ng nakapaligid samin kahit yung mga taong di ko close kinausap ako at kinulit ako. That went on for a while until the third quarter when we're assigned to a new seating arrangement.
Hindi tayo magkatabi, actually dulo dulo nga eh. but since seat mate ko yung mga kaibigan mo minsan napupunta ka sa side namin. I found out that we're watching the same anime kaya minsan nakakasali din ako sa usapan. Pero hindi ako madalas makipagusap kase baka mapagtripan nanaman tayo ng asaran (actually ako lang pala lagi -_-)
Tuwing dismissal, lagi kaming nakatambay sa benches ng mga kaibigan ko, one day napansin ko na madalas ka din dun pag uwian. Simula non lagi na kitang nakikita don and we just smiled at each other as a sign of acknowledgement. Minsan pa nga naglalakad kami don para maghanap ng mauupuan tas nakita kita 4 bench away, yumuko ako kase alam na nung kaibigan ko yung asaran sa room baka asarin ako. Nung natantya ko na naka 4 bench na kami nang nadaanan tumingala ako tas nakita ko kayo na tumakbo nung kaibigan mo at huminto ulit sa isang bench, tawa kayo ng tawa na parang nagaasaran at nagtutulakan. Pagdaan namin sa tapat niyo nag 'hi' kayong pareho. Hindi ko na kayo liningon pabalik lol (itago natin yung friend niya sa name na Gat)
Minsan pa nung nasa ComLab tayo, magkatalikuran kase yung upuan natin tas wala na tayong ginagawa kase tapos na yung activities natin. I was just randomly searching something on google when I heard you sing with Gat, duet talaga kayo "akin ka na lang" ata yung kinanta niyo basta yun yung chorus eh idk the title. Tas tawa kayo ng tawa, nilingon ko tuloy kayo tas nakatingin kayo samin nung katabi ko lol, paikot ikot kayo sa swivel chair habang kumakanta. Tumalikod na ko at humarap sa computer ko at napangiti. I know, I assumed pero hindi ko naman pinahalata sa iba.
Nung fieldtrip din natin, basa tayo dahil sa mga activities nilapag natin yung bags sa kubo. I was wearing eyeglasses pero tinanggal ko kase nga basa ako. Kinuha ko yun sa bag ko tas umakyat ka din sa kubo at nagbaba ng gamit, magkasama kayo ni Gat non tas kumakanta ka nanaman. Umalis si Gat, tayo lang yung natira dun kumakanta ka pa din at nakakainis kase ang hirap hagilapin nung salamin ko, nao-awkward na kase ako. Idk what you're singing that time pero natutuwa ako kase ang ganda ng boses mo. Umalis agad ako kase dumating na yung ibang boys na kaklase natin at ang sikip na dun sa kubo.
4th quarter came, we we're asked to do a project for chem, pumunta kami sa bahay ng kaklase namin tas may kasabay kaming ibang grp din. i have a friend itago natin sa pangalang RJ. RJ was a close guy friend of mine, classmates kami nung elem at nung yr na yon. He was your friend too. Idk but RJ suddenly shared something, I dont mind kase close naman kami. Bigla niyang sinabing may gusto ka sakin. Nagulat ako, ayokong maniwala, ayokong umasa. Simula nugn sinabi niya yon inobserbahan na tuloy kita araw araw at lagi akong napapaisip. That time I know I somehow liked you.
Then the last 2 weeks.Tuwing break time kase umaalis mga katabi ko para bumili ng pagkain or pumunta sa ibang section. Lagi akong naiiwan dun na nagsusulat or nagbabasa kase hinihintay ko mga kaibigan ko na lumabas sa klase nila. So madaming vacant seats sa paligid ko. Bigla kang pumunta dun sa upuan sa harap ko. Nagulat ako kase that's the first time na kinausap mo ko lol. Just random chats, nakalimutan ko na yung pinaguusapan natin non. Pero hindi din nagtagal kase kelangan ko na lumabas para puntahan mga kaibigan ko o kaya naman dadating yung mga kaibigan mo at makikigulo satin. Every break time ganon, lagi ka na lang lilipat sa harap ko at makikipagusap.
Then the last day came, March 27, 201*. That was the last day for us undergraduates. Ang gloomy ng atmosphere non sa room. I hugged my close friends even my seatmates. Every one is saying their goodbyes and good lucks to each other. Every yr kase nagsshuffle ang sections (iba iba ang kaklase namin every yr) well except sa top section na matira matibay don HAHAHA.I hugged RJ, nagulat ako kase bigla niya pa kong inikot squint emoticon, dahil don we gained attention inasar tuloy kami. pagkatapos niya kong ibaba hinanap kita naktingin ka din pala samin. I was finding the right moment to hug you too as a sign of good bye. Pero naunahan ako ng takot. Takot na baka isipin mo na ang fc ko. I then found the right moment, yung walang makakapansin kung yakapin man kita. I was there infront of you, pagdating ko dun nahiya nanaman ako, you too looked like you're unsure of what to do. So instead you offered me a fistbump, which I did take. May tinakbo ako sa gate para kunin yung susi sa parents ko, pagbalik ko sa room hinanap kita ulit pero umalis ka na. Hindi ko alam kung bat ang aga mo umalis eh ang dami pang tao sa room, nagppicture pa nga as a class pero di na kumpleto kase umalis na kayo ng mga kaibigan mo. Hinanap kita sa lobby sa labas ng room habang naglalakad kami pero wala na talaga. That was the last time I saw you. Last time for that school year.
I saw you the next school year, but it seems that we didnt even know each other.
Hi guyss! sorry sa sobrang haba neto. Just wanted to share it to you. May masaklap na next part pa to haha kaso masyado nang mahaba kaya next time na lang pag napost to :))
btw the song, it was titled 'stuck'
unknown
2012
College of Fine Arts and Design
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles