"Minamasdan kita ng hindi mo alam. Pinapangarap kong ikaw ay akin.."
Yan ang kantang nagpakilig ng buong gabi ko. Biruin mo last dance ko noong Acquaintance Party 2011 yung matagal ko ng crush. Itago nalang natin sa pangalang R, second year higschool sya, fourth year naman ako. It was one of the best nights of my life kasi sa wakas pinansin at naisayaw ako ni R. And the moment I dance with him, everything went in slow motion. Nakakalaglag kaya ng panty. Maka eye to eye contact ko siya tapos nagkausap pa kami. Ang gwapo niya nung time na yon. CRUSH ko lang siya ha. May boyfriend pako nung time na yun eh, six months kami. But hindi nagwork ang relationship namin dahil may nagustuhan siyang iba. So, si R ang tinakbuhan ko. Nacomfort niya ako, pinasaya at hindi niya ako iniwan hanggang sa maging okay ako.
FAST FORWARD: Naging kami ni R. October 3, 2011. Yung feeling na dati pinapangarap mo lang siya, tapos ngayon, iyo na siya. Ang sarap sa feeling. Nakakakilig. Lahat ng magagandang asal ipinakita niya sa akin. Kahit na sinasabi ng iba, sa una lang daw yon. Dedma nalang ako, mahal ko na siya eh. Nagpunta siya samin para magpakilala sa family ko. Nagkapalagayan ng loob dahil mabilis siyang nagustuhan nila mama at papa. Di naman kasi sila mahigpit. Legal kami both sides.
On our first year together, sobrang saya namin. Ang daming memories. Family outings kasama siya, date dito, date doon. Nadalaw din siya sa amin thrice a week I think? At syempre di namin nakakalimutang magsimba tuwing Linggo at magpasalamat kay God. Sobrang saya namin at mahal namin ang isa't isa kahit na minsan may hindi pagkakaintindihan, naoovercome padin. Binigay ko lahat sa kanya. Siya ang naging mundo ko. Laking pasasalamat kong dumating siya sa buhay ko. Sabe niya sakin, "Naalala mo pa nung nagsayaw tayo nung acquaintance? Pagkatapos ng gabing yun, hindi na kita nalimutan." Nasabi ko tuloy sa sarili ko, "IBA SI R. Sana akin na siya habambuhay. Thank you, Papa God!""
2014
Me: Parati nalang tayong ganito. Ang hilig mong magsinungaling saken.
R: Sorry.
Isang sorry niya lang, okay na sa akin. Pero ang sakit pag paulit ulit na. Dati sinasabi ko parati, IBA SIYA. Ngayon ang nasasabi ko, NAG-IBA NA SIYA. Anong nangyayari? I always pray to GOD na bigyan niya ako ng reason kung bakit kami nagkakaganito. Nahihirapan nako. Ang hilig niyang magsinungaling. Pwede namang sabihin ang totoo. Ganun bang kahirap yun? Nakakaparanoid na tuloy. Natatakot akong mawala siya eh. Sa sobrang pagmamahal na naibigay ko. Baka diko kayanin na mawala siya. Dumating sa point na nagmamataasan na kami ng boses pag magkaaway. Ayokong magsawa siya saken. At lalong ayakong maghiwalay kame.Flashback:
November 2013
Cmate: May sasabihin ako sayo. Nakita ko bf mo sa mall may kasama.
Me: Ha? Hindi totoo yan kase alam ko kasama niya family niya. *Naluluha*
Cmate: Nagsasabi ako ng totoo.Hindi ko pinaniwalaan yan. Kase alam kong mahal niya ako. At hindi niya ako ipagpapalit. Pero may hinala na rin ako noon. ISANG TEACHER. Yes, a teacher. Highschool teacher ang hinala ko. Ang tanga diba? How come na mangyayari yun? It just so happened na nagbukas ako fb account nya then I saw sa activity log niya na lagi niyang sinesearch yung name ng teacher na yun. She's not his teacher. Ibang level ata ang advisory niya. Pero pinanindigan kong maniwala sa kanya. Kase ayokong maramdaman niyang naghihinala ako. Mahal ko eh. So nagbulag-bulagan ako.
I tried to leave a message to the teacher on fb since friends kami sa fb dahil ka schoolmate ko siya nung Highschool. Ahead nga lang siya saken. Para lang mawala pagka paranoid ko. Para lang malinawan ako. Nilakasan ko loob ka na makipagchat sa kanya. NAGPAKAINOSENTE siya. Na parang hindi niya alam ang nangyayari. So ako, naniwala ako kay R na hindi totoo ang nakita ng cmate ko kahit sinasabi nila na nagpapakatanga na ako.
September 27, 2014. Nakipagbreak siya ng biglaan. Ang sabi niya, dahil daw sa palagi kong pagkaparanoid. Sabi niya gusto niya munang magfocus sa pag-aaral. Umiyak ako. As in. Kahit na may ibang nakakakita, wala nakong pakialam. Nanginginig nako. Diko na alam ang gagawin ko. Pero ayaw na niya talaga. So wala nakong nagawa. Nag-inaso(naghabol) ako ng ilang beses. Isipin niyo kung paano nagmakaawa si Basha kay Popoy na siya nalang ulit ang mahalin. Ganun. Nagpunta ako sa kanila para magmakaawa. Pero hindi na daw niya ako mahal..
""Hindi ka manlalamig sa taong mahal mo kung hindi ka nakikipaglandian sa iba.""
Days passed, may nakapagsabi sakin na nakitang magkasama sila nung teacher. The SAME DAY na nakita sila ng cmate ko sa mall. Nagkaroon ng chance na magkausap kami. Inamin niya na may relasyon sila nung teacher matagal na. MEANING: 1 year na niya akong niloloko. Dahil 2013 nung una silang nahuli then sept 2014 lang kami naghiwalay. 3 years na sana ng relasyon namin kung hindi dumating sa buhay niya yung teacher. Nakakapanghinayang. Grabe yung galit ko sa kanilang dalawa. Ang sakit, ang tagal bago mag sink in sa utak ko na niloko niya pala talaga ako. Na after all this time, NAGPAKATANGA AKO. Ang hirap na tuloy magtiwala.
""Hindi mali ang magmahal ng sobra. Hindi mali ang ibigay mo lahat. Hindi mali ang magmahal ng tapat. Minsan nga lang, yung taong minamahal mo ang tanging pagkakamali mo.""
May narinig akong kanta sa radyo. ""..Sa iyong ngiti, ako'y nahuhumaling. At sa tuwing ikaw ay lalapit ang mundo ko'y tumitigil.."" Nasabi ko sa sarili ko, sana nireject ko nalang yung alok mong makipagsayaw ako sayo. Edi sana hindi ako nasaktan ng sobra. Sana nanatili nalang yung pagkacrush ko sayo...
Present Day: I moved on with the help of my family, friends and GOD. Unti unti ko na ding napapatawad ang sarili ko dahil sa katangahang ginawa ko ng dahil sa pag-ibig. Well, pag-ibig lang yan. Dadating din ang para sa'kin. Hintay lang. Madami pa naman akong makikilala. Sa ngayon, focus muna ako sa sarili ko. Sa mga pangarap ko. ""Wag ng mag-isip at bigyan ng dahilan ang isip mo para isipin siya. Masaya ang buhay kaya mabuhay ka ng masaya.""
Salamat sa pagbabasa ng karanasan ko sa pag-ibig! Nawa'y may natutunan ka.
P.S. Thank you chinitang loyal sa pag-udyok na magshare ng story dito.Athazagoraphobic
201*
College of Engineering
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles