Ang kwento ko ay tungkol sa panahon na una akong natanggap na magtrabaho sa isang ospital. Ang sinabi ng nag interview sa akin dito (nasa US ako): ""ah, from UST? you're hired"" -- sabay tapon ng resumé ko sa mesa. Sarap kaya ng feeling na tinatapon ang resumé tapos hired na. GG na yun eh.
Noong nagtatrabaho na ako, napansin ko na kahit anong bibo ko noong college, pag pala hindi mo binabalikan ang mga inaral mo dati at pag di ka nakikinig, nakakalimutan mo pala talaga. Noong college kasi ako, puro landi ang alam ko at paramdam sa crush ko. Para akong multo na paramdam ng paramdam at kulang na lang sapian ko na siya.
Sa kalalandi ko sa kanya, ayun, sobrang average lang ng quizzes ko. Imbis na mag aral, iniisip ko kung anong gift ang makapagpapasaya sa crush ko. Just to clear things up, I never failed, but I didn't excel either.
Sa panahon kasi ngayon, sobrang competitive at dapat nakikinig ka sa klase kasi, mark my words, magmumukha kang tanga sa trabaho sa bawat oras na inaalala mo ang mga bagay na natutunan mo sa kolehiyo. Mahirap na nga na newbie ka lang sa trabaho, may expectations pa rin sa'yo ang boss mo since ikaw ang pinili. You always have to show your worth.
Minsan, tinanong ako ng isang pasyente: ""what's the difference between a Hodgkins lymphoma from a non Hodgkins lymphoma?""
Tapos ang naalala ko lang ay noong lecture ng prof namin tungkol doon, nakatitig ako sa labi ng crush ko na gusto kong halikan. Buti sana kung pwedeng i-kiss ko na lang yung pasyente eh. Buti na lang nakapagpalusot ako at sinabihan ko siya na bigyan ko siya ng pamphlet tungkol dun. Kaso tameme parin ako nun.
In the end, my crush and I parted ways, and I lost learning opportunities by not paying attention in class. May oras kasi para sa lahat ng bagay, at huwag niyo hayaan na masapawan ng personal life niyo ang pag aaral kasi pagdating niyo sa workforce, you'd learn the hard way.
Ang punto ko lang, ok lang makipag landian, pero wag niyo itodo. Kasi ang mga relasyon, hindi naman mawawala yan kahit makinig ka sa prof mo.
Totoo na dapat hindi mo iasa sa tadhana ang pag ibig, pero hindi mo dapat isentro ang buhay mo doon. Kasi kahit anong landi mo o galing manligaw, kung di ka talaga trip ng crush mo, di mo rin naman pwede ipilit.
Abathur
2010
College of Nursing
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles