Nagdadrive ako at magpapark na sana sa may TYK nung bigla kang tumawid. Mabuti nalang nakapagpreno agad ako. Sira ulo ka, makakasuhan pa ko sa ginawa mo. Bumaba ako ng kotse ko, ikaw, nasa gilid. Alam kong inintay mo kung bababa ako. Nakayuko ka, at nakatingin sa paa kong papalapit sayo. Sabi ko, "Miss, next time tingin tingin din sa kaliwa kanan ah." Ngumiti ka lang. Yumuko ulit. At umalis. Pero naiwan mo ang ballpen mo, nakita ko malapit sa may gulong ko. Pinulot ko ang dong-a mong sign pen na may nakabalot sa loob na papel na may pangalan mo, section at college. Iniintay ko ang bestfriend ko nun, may hiniram kasi sya sa library. Sinundo ko lang sya, mabigat daw kasi mga libro nya, para sa thesis. Bored ako. Tinititigan ko lang yung ballpen mo. Sinearch kita sa fb. Public ang profile pictures mo. Ang daming likes. I didn't expect na famous ka pala. Sa itchura mo kasi nung nakita kita, parang ang bigat bigat ng dinadala mo. Parang stressed. At maputla. Maganda ka pala. Parang pwedeng pambato ng college nyo. Nacurious ako sayo bigla. Parang gusto kitang makilala. Kaso, pano? Ayun, inadd kita. After 2 days, inaccept mo ko. Gusto kitang ipm, kaso nahihiya ako. Bigla kong naintimidate. Kaya hanggang tingin nalang muna ko. Isang gabi, kakatapos ko lang magbasa ng lectures, nakita ko ang ballpen mo. Naisip kong picturan at isend sayo sa chat. Ang lame diba. Pero dun nagsimula lahat. Sinend ko sayo yung pic, without any word, yun lang. You replied, "Kaya pala nawawala. " Hindi ko alam isasagot ko. Para kong nakuryente. Ngayon nalang uli ako kinilig simula nung nagbreak kami ng girlfriend ko for 4 years. Kahit yun lang yung sinabi nya, kinilig padin ako. Nireplyan kita, "Di mo iniingatan mga gamit mo. Pati sarili mo." Nagreply ka ng wink. Nagkachat tayo ng matagal. Nagpakilala ako. Nagpakilala ka. Nalaman kong galing ka sa isang prominenteng pamilya. Nagkapalitan tayo ng number. Tinext kita agad. Gusto pa kita makilala. Kaya nakipagkita ako sayo. Sa kung saan tayo unang nagkita. Sa parking lot sa may TYK. Pero sabi ko, sa may lib nalang. Nag antay ako dun. Dumating ka. Nagkahiyaan pa nung una, pero naging ok din tayo. Dumalas ang pagkikita natin. Naihahatid na din kita sa unit mo sa may San Lazaro. Sinusundo din kita. At umaalis tayo tuwing weekend. Naging mas malapit tayo. Kaya di ko rin napigilang mahulog ang loob ko sayo. Dalawang taon na makalipas yung araw na tumawid ka, nanatili tayong magkaibigan. Malapit na tayong grumaduate nun, gusto ko ng umamin sayo. Na gusto kita. Na mahal kita. Naghanda ako ng sasabihin ko sayo. Nagpatulong ako sa best friend ko. Kasado na lahat. Graduation mo. Tapos na. Sobrang saya mo. Gagawin ko na sana yung dapat na gagawin ko. Nakaback up na yung bestfriend ko, imimisscall ko nalang para magsimula na. Habang papalapit ka sakin, tumatakbo ka, kinakabahan ako, ang bilis ng tibok ng puso ko, magfafireworks na din nun. Hahawakan ko na sana ang kamay mo, pero bigla kang may tinawag at pinalapit sating lalaki. Nagyakapan kayo. At hinalikan ka nya sa pisngi. Sabi mo, boyfriend mo sya. Sa loob ng dalawang taon nating magkaibigan, hindi mo sya nakwento sakin. Tinanong kita noon, sabi mo ay ayaw mong pag usapan ang nakaraan mo. Pero di ko alam na nagkabalikan na pala kayo. Ang sakit. Kinamayan ko ang lalaking pinakilala mo. Nanlambot ako. Hindi ko natuloy ang pag amin ko. Nung malingat ka saglit, tinext ko agad ang best friend ko ng "wag na." Hindi ko na tinuloy ang plano ko, dahil nakita ko na masaya ka na. Kasabay kitang nanood ng fireworks sa plaza mayor noon, pero sakanya ka nakahilig at hindi na sa akin. Para akong sinaksak ng isang daang beses. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko padin ang sakit. Balita ko nasa Australia ka na ngayon. Mababasa mo kaya ito? Gusto ko mang isa isahin ang mga naglike ng page na to at magbakasaling sa 300k likes na to ay nandun ka, may pag asang mabasa mo to. Patawarin mo ko na di ko nasabi sayo. Patawad naging duwag ako. Patawad kung bigla nalang akong di nagparamdam. Patawarin mo sana ako. Sising sisi ako na nilamon ako ng takot at kaduwagan. Sana ay masaya ka ngayon, kung nasaan ka man.
Nanghihinayang
2009
College of Nursing
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles