When I Meets E

2.2K 12 0
                                    

I'm a 4th year IE student from a school sa Laguna . May friend ako o siguro close friend na siya. 3rd year EE student naman sya . Nagkakilala kami nung 2013 , classmate ko sya sa Gen. Psych. 1st meeting namin nun LATE ako. Syempre pag late ka konti na lang yung vacant seats at swerte ko may malapit sa pintuan . Dun ako umupo , nakilala ako nung katabi ko sa kaliwa ko . Edi nagkwentuhan kami then pinakilala nya ako sa isang girl na friend nya which is seatmate nya sa kaliwa nya . Nagpakilala naman ako at nagpakilala naman siya . Nung una hindi ko napansin yung pagiging cute nya . After how many meetings namin sa Gen. Psych, yung common friend namin napansin naming dalawa na hindi na nagpapapasok . So tinatanong ko sya kung nasan na yung classmate nya kasi by that time 2nd year na ako at 1st year silang dalawa. Sabi nya "" Hindi nya rin alam kung bakit hindi na pumapasok "" . Habang kausap ko siya nun dun ko napansin ang mala-anghel niyang mukha , matabang mga pisngi , chinita at ang makinis na muka, FULL PACKAGE na kung baga. So pag uwi ko sa bahay , hinanap ko agad siya sa FB swerte ko nakita ko agad siya . Ang cute niya sa mga picture niya kaya lang may nakita akong picture may kasama siyang lalaki ayun malaman laman ko boyfriend nya pala yun -,- . Napamura ako nun sabi ko na lang ""shit ! May boyfriend na pala siya"". Pero wala pa naman silang 1 taon . Kaya simula nun sinipag na ako pumasok sa Gen. Psych hindi ako umaabsent makita ko lang sya twice a week. Simula nun naging crush ko na siya . Pag nagkakasalubong kami , nagbabatian at nagkakangitian . Pag ngumiti siya kumpleto na araw ko dahil sa maganda niyang ngiti . Hindi nawala ang pagkagusto ko sa kanya.

Pumasok ang 2015 , nakatext ko siya . Hindi ko na matandaan kung pano namin nakuha ang # ng isa't isa . Halos magkatext kami buong araw. Syempre sa part ko masaya at kinikilig ako HAHAHAHA abay crush ko siya eh. Then tinanong ko siya kung kamusta na sila ng BF nya "" May problema daw "" . Hindi niya alam kung bakit sila magkaaway . Grabe sila mag away inaabot ng weeks o mas malala months . Nung nalaman ko yun tinanong ko siya "" Mahal ka ba tlaga ng BF mo ? Kasi kung mahal ka niya hindi niya papatagalin yang away niyo "" Ganun daw talaga yung BF niya . Hindi niya maiwan kasi 1st BF niya . Alam ko naman yung ganung pakiramdam pagdating sa 1st , hindi maiwan kasi dun mo unang naramdaman yung unang kilig . May mga ilang taong tanga pagdating sa 1st BF o GF . Simula nun halos araw araw na kaming nagkakatext . Kino-comfort ko siya sa tuwing malungkot siya o kaya pinapasaya ko, wag niya lang maisip yung BF niya . Ayoko din kasing makita siyang malungkot , ang ganda ganda niya kaya hindi sa kanya bagay ang malungkot na mukha .

Ilang linggo na ang lumipas hindi pa din sila ok ng BF nya , nagtext siya sa akin tinanong niya ako kung iiwan na ba daw niya ang BF niya . Syempre ako iba't iba ang naramdaman ko gulat , saya at awa . Gusto ko man sabihin na "" Sige iwan mo na hindi ka naman niya pinapahalagahan . Sa AKIN ka na lang "" . Syempre kahit anong sabihin ko nasa kanya pa din ang huling desisyon . Tinext niya , nakikipag break na siya . After how many minutes , nagtext ulit siya sa akin , pinipigilan daw siya ng BF niya mahal na mahal daw siya . Syempre bilang friend kailangan kong suportahan ang lovelife nila . Kahit masakit sa part ko sabi ko na lang "" Sige bigyan mo pa ng chance "" Ayun ! Binigyan niya nga ng chance . NGANGA na naman ako . Dedma na naman ako dahil OK na sila ng BF niya pero paminsan nagkakatext pa din kami . Sinubukan ko naman umiwas at hindi magparamsan kaya lang nagtaka siya bakit daw hindi na ako nagtetext may problema ba daw ako ? Namimiss na niya ako . Dahil tanga ako hindi ko natiis tinext ko na nman . Minsan na ding pumunta yun sa bahay namin . Taga Muntinlupa ako , Taga Batangas naman siya pero nasa Laguna school naming dalawa . Isipin nyo bumiyahe pa siya mula Batangas hanggang dito sa Muntinlupa. Ipasyal ko daw siya dito sa may amin. Edi dinala ko sa Festi at ATC . Kala mo nung araw na yun eh kaming dlwa ! HAHA kinikilig ako nun . Pero nung time na yun alam kong may problema na naman siya sa BF niya kaya hinayaan ko na lang . Pinasaya ko siya at inaliw sa mga magagandang lugar na pwedeng puntahan . Job well done kahit papano nakalimutan niya yung problema niya . Syempre tumagal na naman ang away nila ng buwan . Nakikipaghiwalay siya pero pinigilan ayun ok na ulit sila .

ANG HIRAP MAGING ABANGER , PARANG NAGHIHINTAY AKO SA WALA . SUMASAYA LANG AKO PAG MAGKAAWAY SILA . EFFORT AKO NG EFFORT SA TAONG HINDI NAMAN NAPAPANSIN ANG AKING PAG IBIG . SANA AKO NA LANG ! SA AKIN , HINDI KA MAGIGING MALUNGKOT. HINDI KO HAHAYAAN NA LUMIPAS ANG ARAW NA MAGKAAWAY TAYO . BABIYAHE AKO MULA MUNTINLUPA HANGGANG BATANGAS MAKITA KA LANG . KAYA LANG HINDI PWEDE DAHIL MAY BF KA .

Hindi ko na kinaya . Hindi ko na kayang itago ang nararamdaman ko .

Inamin ko sa kanya sa text . Hindi ko kayang aminin ng personal . Dahil awkward yun ! Yun nga sinabi ko na iba na ang nararamdaman ko sa kanya . Hindi nya daw aasahan yun na mafafall ako sa kanya . Tinanong ko siya "" Hindi ka ba nakakahalata ? Sa mga effort ko "" sabi niya "" Sorry manhid ako sa mga gnyan "" . In the end umiwas na ako sa kanya . Ayoko man pero kailangan . Kailangan ko tulungan sarili ko na makalimutan siya . This time sarili ko naman iisipin ko .

Kaya pag nagkakasalubong kami sa school . Patay malisya kala mo hindi kami magkakilala . Ok na din yun para mawala feelings ko sa kanya .

Siguro ngayon gsto pa dn kita o di kaya mahal na ata kita . Pero mali kailangan kitang kalimutan dahil may BF ka , kung tayo para sa isa't isa edi tayo . Tadhana na bahala dun kasi naniniwala ako sa Tadhana smile emoticon

"" If it's meant to be , it's meant to be ""

MORAL LESSON : If may nararamdaman na kayo sa taong may GF o BF , umiwas na . Wag niyo ng hayaan ma-fall pa kayo . Pag nafall kayo ng todo todo mahihirapan na kayo bumangon.

I Hope may nakuha kayong lesson smile emoticon

AvA
2017
CoE


Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon