First of all, babae ako. Marami akong nakikitang posts lately ng mga kapwa ko babae rin na nagre-reklamo about men not respecting them—di inofferan na paupuin sa LRT, ayaw paupuin ng ayos sa trike, etc.
Girls, wag nating i-asa sa mga kalalakihan ang lahat. Di porke't babae ka di mo kayang tumayo sa LRT kahit pa ba siksikan at malamang sa malamang nasasagi na yung private parts mo, intended or not. Babae rin ako, I've had my fair share of men trying to cup a feel of my boobs in public transpo. I am aware na may mga walang-hiyang lalaking gagawin yun. Public nga e, so it’s up to us, tayong mga babae, to protect ourselves. E ano naman kung ayaw nung lalaki ibigay sayo yung seat? Bakit? Buntis ka ba, o matanda, o may kapansanan? Minsan may period ako, nagc-cramps na ako ng sobra, pero nakatayo parin ako sa bus pauwi kasi I CHOSE IT at sumakay ako ng bus knowing that I’ll stand for more than an hour. Sabi nga nila, if you can’t take it, take a cab.
We can’t expect the men to treat us right. I’m not saying na lahat ng mga lalaki ganito, or that chivalry is dead. Just that, us women should not be ignorant. Kung mabobosohan ka sa trike kapag umupo ka dahil sa dulo na yung available seat, maghintay ka ng bagong trike at sa loob ka umupo. Ganun lang. Don’t complain. Take action.
Girl Power
2012
College of Science
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles