NGSB. Matangkad. Moreno. Matalino. Gwapo. Yan ako sabi ng mom ko at sabi ng salamin sa bahay namin.
What a typical day! Boring ang review for the CE boards kaya iba ang naisip kong trip!
Pumunta akong SM para manonood ng ng sine. Super haba ng pila ng Guardians of the Galaxy sa Cinema6 kasi showing day. As in lagpas pa ng ticket booth which is lagpas ng Cinema4. Eh nasa ticket booth na ako nun tapos sabi nung cashier sold out daw yung ticket. Kamalas malasan talaga. Eh wala na akong gagawin nun at pagod na ako. Eh napanood ko na yung Hercules at Step Up All In.
Sige kako sa sarili ko. No choice eh. Para maiba naman.
Me: Ate sige yung SHE'S DATING A GANGSTER na lang. Isang ticket.(pabulong kasi medyo awkward)
Ate: (nagulat at napapakas ang boses) ANU SIR SHE'S DATING THE GANGSTER! TAPOS ISANG TICKET LANG?
Me: (awkward sabay lingon sa likod, nakangiti si ate na maganda na mukhang Accountancy student sa UST base sa ID Lace at Uniform) Oo ate. Isa lang. (sabay ngiti)
Nung paalis na ako sa ticket booth nakatingin yung mga nasa pila ng Guardians of the Galaxy sa akin at nagbubulungan. At mukhang natatawa. Isang malaking AWKWARD talaga. Eh di ako taas noo ako. Lakad. Ngiti. Sabay pasok sa loob ng Cinema5. Awkward talaga. Si ate na nagccheck ng ticket sa Cinema5 napatingin and she shook her head. Kainis. As in mag-isa ko lang pumasok dun. Hanep!! Epic!
Nung paakyat na ako para maghanap ng seat. OA talaga. Napatingin yung mga tao kasi mag-isa ko lang. Eh di yuko tapos hanap ng upuan.
Umupo ako 2seats after nung isang babae na mag-isa at maganda. (SPARKS NA ITO!). Tapos eh di ok na. Bago magstart yung movie biglang may tumabi sa pagitan namin na lalake. napatingin sa akin ng masama. Yun pala BF ata ni ate. Eh di awkward na naman. Tumayo ako tapos naghanap ng ibang upuan. Sa medyo corner na ako umupo. Para sure na.
Eh di nag start na yung movie hanggang natapos. Takte pre!! Ako lang ba!! Ako lang ba! May mali ba sa akin! Ako lang ba ang KINILIG at NAPAIYAK sa SDTG. Is there something wrong with me.? ANSWER ME!!!
REALIZATION: Wag magconclude base sa sabi-sabi ng mga tao na kesyo corny at jeje daw yung STDG eh nakikisunod ka na sa konklusyon nila. Now isa lang masasabi ko I BEG TO DISAGREE!!! STDG is not just a typical Filipino movie rather it's a masterpiece of bright minds gathered to make people feel LOVE during and after the movie.
Andaming lessons tungkol sa LOVE. I realized na LOVE is a LEARNING PROCESS. Na LOVE is SACRIFICE. Yeah NA WALANG FOREVER pero may LIFETIME na pwedeng gamitin to show LOVE and HAPPINESS. Madaming obstacles at trials na pagdadaanan pagdating sa LOVE pero in the end if MAHAL nyo ang isa't-isa kahit anung problema o unos pa yan, paglayuin man kayo ng panahon kung nakatadhana talaga kayo sa isa't isa eh kayo yung MAGKAKATULUYAN.
There's nothing wrong in being a HOPELESS ROMANTIC. Remember the Hopeless Romantic ones are those who really knows what LOVE really means. Hayys ang sarap nga namang mainlove. Ooops nakalimutan ko NGSB pala ako. Haha
PS: after movie labas agad ako para kunyare di ako galing dun. Sakto palabas na din yung mga nasa cinema4 kaya di halata na galing akong SDTG. Lol
PPS: kailan ko kaya makikita yung ATHENA ng buhay ko?
PPPS: Confused pa din ako bakit ako KINILIG at NAIYAK!!
KENJI
200*
Faculty of Engineering
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles