I had a girlfriend back in senior year. Seryoso yung relationship namin pero di kami legal. She is from a traditional Chinese family. Engaged na sya that time to a guy na hindi pa nya nakikilala. Tinanggap ko na hindi kami legal at first, kasi alam kong mapapahamak siya pag nalaman ng family nya, so we tried to be as discreet as possible, kahit sa friends nya, akala nila best friends lang kami.
Then came a time na na-realize ko na di ko na kayang ilihim pa ang relasyon namin. Nag-ipon ako ng lakas ng loob na pumunta sa bahay nila to ask for her parents' blessing kahit alam kong manganganib ang pagsasama namin.
At yun, galit na galit akong pinaalis ng daddy niya, hindi daw kami bagay, na wala pa daw akong napapatunayan at hindi ko pa sya kayang suportahan financially.
Hindi ko sinabi sa girlfriend ko ang ginawa ko. The next day pagpasok ko sa school, hindi siya pumasok. Kinabahan ako, kaya tinawagan ko sya. Umiiyak siya. Nasa airport raw sya. Papuntang States. Sabi ko sa kanya hintayin nya ako, pupuntahan ko sya. Pero di ko na sya inabutan. Wala na sya.
Ilang araw akong hindi pumasok, ilang araw akong nag-isip, ilang araw akong nagpakalasing. Dahil sa desisyon kong makasarili, nawala siya sakin.
Sinubukan kong maghanap ng paraan para ma-contact sya, pero tanging email address lang nya ang nakuha ko. Araw araw akong sumusulat sa kanya, pero kahit isang reply wala.
This continued for 3 years, hanggang sa nag-decide akong mag-give up. Ayoko nang maging miserable. Kailangan ko nang mag-move on, naisip ko. At para bang pinaglalaruan ako ng tadhana. Nagkasalubong kami ng friend nya sa mall. Dumating na daw sya. Last week lang. Nabuhayan ako, at pinuntahan ko siya sa kanila.
Daddy niya agad ang nakita ko sa pintuan. May karga siyang bata, at doon pa lang kinutuban na ako. Nakita ako ng daddy nya, at akala ko papaalisin nya ulit ako like 3 years ago. Pero pinapasok niya ako.
Sabi niya tatawagin nya lang ang anak niya, at iniwan kaming dalawa ng batang lalaki sa sala nila.
Tinitingnan ako ng bata, at hindi ko makakalimutan ang sinabi nya, "Why are your eyes big?"
Natawa na lang ako, at kinarga sya sa lap ko. Masusi niyang tinitigan ang mga mata ko. Hanggang sa may pumukaw sa atensyon niya.
"Mommy!"
Lumingon ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Siya na nga. Bumalik na siya. Parang gustong tumalon ng puso ko. Pero...may anak na siya. May pamilya na. Huli na ang lahat.
Nag-usap kami, nagkamustahan, at naikwento niyang pinakasalan nga niya yung fiancé nya, at nagka-anak sila. Pero nambabae ang asawa niya, at iniwan sila, kaya nag-decide silang umuwi ng Pinas.
Siguro naman alam niyo na ending ng kwento namin.
Chinito Wannabe
2000
Faculty of Engineering
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles